^

Pang Movies

Coco at Baron mas tumitindi ang aktingan

Vir Gonzales - Pang-masa
Coco at Baron mas tumitindi ang aktingan
Coco Martin

MANILA, Philippines — Dati nang nagkatrabaho sina Coco Martin at Baron Geisler sa pelikulang Noy kung saan nakasama rin nila si Vice Ganda, at ngayon muli na naman silang nagkatrabaho matapos ang mahabang panahon.

Maayos na maayos na ang huli matapos seryosohin ang pagpapa-rehab at sa katunayan nga ay involved na ito sa mga gawaing pangsimbahan at sinasabing may balak na rin itong magpakasal sa kanyang nobya.

Nang makalabas na si Baron sa rehab, laking tuwa ng kanyang fans na nagbalik na rin siyang muli sa telebisyon. Napapanood na siya ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan naman ni Coco.

Very effective talaga pagka siya ang gumaganap bilang kontrabida, halos parang hindi na umaarte, effortless kumbaga.

Samantala, lalo namang tinutukan ng mga manonood ang nasabing palabas dahil patindi ng patindi ang labanan nila ni Cardo Dalisay.

Abangan pa natin kung ano pa ang mga susunod na mangyayari.

Kaligtasan ng mga artista, dapat inuuna

Halos isang linggo na ang nakakaraan mula nang maaksidente si Eddie Garcia sa set ng seryeng Rosang Agimat habang nagsu-shooting ang mga ito, napatid ang kanyang paa sa isang kable na siyang naging sanhi ng pagkabali ng buto nito sa tadyang.

Ayon sa balita, wala raw nakahandang medics ang naturang shooting kaya naman halos 30 minutes pa raw ang kanilang hinintay bago ito madala sa pinakamalapit na ospital. Bukod pa rito, hindi rin siguro tama na agad nilang binuhat at pinalibutan ang 90 years old na batikang aktor, posible kasing nakapagpalala pa ito sa kanyang kondisyon.

Magsilbi na sana itong warning o wake up call sa lahat ng produksyon, dapat ay palaging handa at dapat din ay palaging tinitignan ang kaligtasan ng kanilang mga artista, mapa-indie man o sikat o isang ekstra.

Sa ngayon, ayon sa mga doktor, kahit daw magising si Eddie ay paralisado na ang leeg nito hanggang ibabang katawan.

Ipanalangin natin na sana ay bumuti na ang lagay ni Eddie.

Sophie namutla sa takot sa pang-aaway ni Max!

Very fragile itong si Max Collins kung titignan, pero grabe pala ito kung magalit!

Para siyang barako sa isang eksena nila nina Jason Abalos at Sophie Albert kung saan nagpalitan sila ng sampal at sabunot ng huli.

Kitang-kita kung paano mamutla si Sophie sa takot.

Alden at Maine huwag nang i-nega!

Saan nga kaya hahantong ang sobrang pag-iibigan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na panay ang date at travel sa ibang bansa?

Mukhang suwerte sa isa’t isa ang dalawa, dahil kabi-kabila ang natatanggap nilang projects.

Katatapos lang ni Arjo sa pelikulang Bagman ng IWant na kung saan ay umani siya ng napakaraming papuri, mahusay din ang pinakikita niyang pag-arte sa seryeng The General’s Daughter bilang isang lalaki na may autism na anak ni Maricel Soriano, habang si Maine naman ay patuloy pa rin ang hosting sa Eat Bulaga at pag-arte sa programang Daddy’s Gurl with Vic Sotto.

Samantala, kung si Alden naman ang pag-uusapan ay mabuting-mabuti rin ang lagay ng career at negosyo nito ngayon. Malapit nang ipalabas ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo, ang una nilang pelikula mula sa una nilang pagtatambal, ang Hello, Love, Goodbye, directed by Cathy Garcia-Molina. Kaya no need pa na i-nega sina Maine at Alden dahil nakabuti naman sa kanila ang ginawang paghihiwalay ng career, ang mahalaga ay nananatili pa rin daw silang mabuting magkaibigan.

Inasal resto sa Brgy. Culiat, dinadayo

Masaya si Jojo Abellana dahil may inasal resto na siya sa Barangay Culiat na talaga namang dinadayo ng mga parokyano, lalo na sa gabi. 

Matagal nang nagnenegosyo si Jojo at ang talagang hilig niya ay restaurant.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to June born celebrants:

Carla Abellana, Leah Orosa, Anthony Castelo, Tony Ferrer, Linda Rapadas, Raoul Aragon, Manny Doria at Anna Marin, Arthur Valenova of Magdalena, Laguna and Ms. Ellen Varilla Nays of San Francisco, California.                                                                    

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with