^

Pang Movies

AiAi sumama kina Jose, Ryan at Maine sa panunugod ng bahay!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
AiAi sumama kina Jose, Ryan at Maine sa panunugod ng bahay!
AiAi delas Alas

Bilib kami sa professionalism ni Comedy Queen AiAi delas Alas. Last Saturday, nag-guest siya sa Juan for All, All For Juan segment ng Eat Bulaga, para mag-promote ng bago niyang movie na Feelennial (Feeling Millennial) na showing na sa Wednesday, June 19.  

Katambal ni AiAi si Bayani Agbayani at first time ni Pops Fernandez na mag-produce ng movie sa DSL Productions ng mommy niyang si Dulce Lukban. Partner ni Pops ang Cignal Entertainment.

After mag-promote ni AiAi, sinabihan siya ni Bossing Vic Sotto na sumama raw sa sugod-bahay si AiAi, with Maine Mendoza, Jose Manalo at Ryan Agoncillo, sa barangay Namayan, Mandaluyong City. Hindi naman tumanggi si AiAi, kahit naglakad pa sila nang malayo papunta sa bahay ng contestant at kasama ring nag-interview sa na-sugod-bahay nila. Nag-enjoy naman si AiAi sa first time na nakasama siya sa sugod-bahay. Nagpasalamat siya muli sa Eat Bulaga at inimbita niyang manood sa opening day nila sa June 19, at ngayong Monday, may Pink Carpet Screening muna ang Feelennial… sa Cinema 4 ng SM Megamall, 6:00 pm.

Jillian handa na sa first major role

14 years old now, teenager na si Jillian Ward, born on February 23, 2005. Nagsimula siyang maging commercial model ng isang brand ng gatas noong bata pa siya, and at five, nagsimula siyang mag-artista nang siya ang mapili para gumanap sa role ni Trudis Liit sa drama series ng GMA-7 of the same title, in 2010. Bata pa ay nakitaan na si Jillian ng husay sa acting at love na love siya ng mga televiewers niya sa afternoon prime ng Kapuso Network. Bukod sa mahusay na pag-arte, maganda rin ang singing voice ni Jillian kaya madalas na rin siyang mapakanta sa mga shows ng GMA.

Ngayon, excited na si Jillian sa first mature role na gagampanan niya sa Prima Donnas. Tatlo silang bida sa afternoon prime series, siya si Donna Marie, si Althea Ablan ay si Donna Belle at si Sofia Pablo si Donna Lyn. Si Donna Marie ang panganay at responsableng ate.

“Excited po ako dahil bilang Donna Marie, gusto po ng GMA, bagong Jillian ang makikita nila,” sabi ni Jillian. “Hindi na raw po ako iyong cute at bibong child star.  Teen star na raw po ako ngayon at since nagsimula na kaming mag-taping, nakikita ko na po ang changes ng role ko.”

Makakasama nina Jillian sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Chanda Romero at ito ang unang teleserye ni Aiko Melendez sa paglipat niya sa GMA Network.

Barbie at Mika last two weeks na lang bilang sina Kara at Mia

Last two weeks na lamang ang Kara Mia nina Barbie Forteza as Kara at Mika dela Cruz as Mia. Excited na ang mga televiewers kung paano magwawakas ang story ng magkapatid na may dalawang mukha sa isang katawan.

Gabi-gabing hinihintay ng mga netizens kung sino ang mamamatay? Sinabi kasi ni Reynara (AiAi delas Alas) na isa lamang ang mabubuhay kina Kara at Mia. Kaya dapat daw ay si Kara ang mabuhay dahil siya ang mabait at si Mia, puro kasamaan lamang ang iniisip nito para mailigtas ang sarili. Kayo sino ang dapat mabuhay kina Kara at Mia?

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with