^

Pang Movies

Buhay ng isang garbage collector tampok sa KMJS!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong Father’s Day (June 16), tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang kuwento ni Andrew Lagsa na buong pusong ipinagmamalaki ang tatay niyang isang basurero.

Sa isang segment sa Wowowin, proud na pinakilala ni Andrew ang kanyang 68 years old na ama na si Antonio Lagsa. Aniya, hindi niya kailanman ikinakahiya ang hanapbuhay nito na garbage collector dahil bawat basurang hinahakot ng kanyang tatay ay pantustos sa kanilang magkakapatid.

Samantala, isang ngiti naman na made of gold ang matatagpuan sa Maranao—dahil ang isang ngipin ni Lola Diosdada sa totoong ginto pala gawa! Makalipas ang mahigit limang dekada, ang gintong ngipin na ito, for sale na raw? Alamin kung bakit naging bahagi na ng ating kultura ang pagpapagawa ng gintong ngipin.

Sa isang sapa malapit sa pinaniniwalaang lagusan patungo sa Biringan—o ‘yung maalamat na siyudad diumano ng mga engkanto sa Samar—totoo nga bang nagkalat daw ang mga bato na may ginto?

At ang Kapa-Community Ministry International, investment scam nga ba? Pakinggan mismo ang pagtatanggol at maging ang hinaing ng ilang mga miyembro nito.

Abangan lahat ng ito at iba pang kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo ng gabi sa GMA-7.

vuukle comment

KMJS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with