^

Pang Movies

Moira hindi na naaapektuhan ng bad vibes!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Moira hindi na naaapektuhan ng bad vibes!

May bagong single si Moira dela Torre ngayong taon, ito ay ang Patawad, Paalam kung saan featured ang bandang I Belong to the Zoo.

Masaya si Moira na nakatagpo siya ng bagong mga kaibigan sa tulong ng nasabing banda.

Iisa lang ang comment ng fans sa kanta, damang-dama nila ito dahil sa ganda ng boses ni Moira.

Hinala ng fans, gagamitin ang nasabing kanta bilang themesong sa isang movie. Aminado ang singer na hindi naging madali para sa kanya ang ilang taong pagsusumikap para mapansin ang kanyang music, pero natutunan niya, na lahat ng mga naranasan niyang sakit ay parte ng kanyang learnings na siyang ibinabahagi niya ngayon sa mga kanta niya.

Ngayon ay confident na si Moira na sabihing mas matapang na siya at buo na ang kanyang loob kahit ilang negatibong comments at pagba-bash pa ang sa kanya ay ibato. Gaya na lang ng natatanggap niya sa Idol Ph.

Masaya si Moira na i-share ang kanyang music lalo na sa pagbuo ng concept ng ginagawa niyang bagong album ngayon. Mas inspirado siya dahil sa kanyang pamilya.

Samantala, wish naman ng lahat na sana ay magka-baby na sila soon ng mister niyang si Jason Hernandez na isa ring songwriter.

vuukle comment

MOIRA DELA TORRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with