^

Pang Movies

Teaser nina Alden at Kathryn nambitin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Teaser nina Alden at Kathryn nambitin!

Inabangan talaga ng netizens ang imbitasyon ng Star Cinema na The First Hello Teaser Launch last Friday evening, June 7, na unang napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang Hello, Love, Goodbye ay first team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Star Cinema at dinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Nagkalat din sa social media ang teaser launch. Kaya maaga pa ay may posts na.

Sa Ang Probinsyano unang pinalabas ang nasabing teaser pero sa mga sinehan kasi na pinagpapalabasan ng Clarita movie ni Jodi Sta. Maria napanood na nila noong opening nito last Wednesday, June 12 ang nasabing teaser.

Teaser, siyempre ay maikli lamang kaya bitin ang mga nakapanood, may mga kinilig, may nagsabing may chemistry rin sina Kath at Alden. At hindi mo pa nga malalaman kung ano ang roles nina Alden at Kath, pero tumatak iyong sinabi ni Kath as Joy, na “I love you” pero hindi sinagot ni Alden as Ethan, tumango lamang siya.

Ang last scene ay top shot na nasa itaas sina Joy at Ethan, overlooking Hong Kong na magka-holding hands, kaya ang tanong nila, may goodbye ba talaga?

Anyways, nag-trending ang teaser launch, number one (1) ito nationwide, at number three (3) worldwide. Marami ring naghintay ng teaser, siguro lalo ang team abroad fans ni Alden na miss na miss na raw kasi nilang mapanood ang Pambansang Bae sa big screen. 

Oo pala, last movie ni Alden ay ang Imagine You & Me nila ni Maine Mendoza in 2016, at kung may napanood sa kanyang movies sa big screen, ito ay mga guest roles lamang at hindi full length na tulad ng Hello, Love, Goodbye.

Malalaman natin kung mababago ang playdate ng movie na sabi ay July 31, dahil gustung-gusto na ng fans na mapanood na ang movie at marami na ring naka-schedule na block screenings. Congratulations!

Samantala, nagpasalamat si Alden Richards sa lahat ng netizens na nakisama sa kanila ni Kathryn Bernardo sa launch ng kanilang teaser, habang nagti-taping siya sa GMA studio ng The Boobay and Tekla Show (TBATS), na labis daw siyang nag-enjoy. Makikita tonight ang pinaka-naughtiest na ginawa niya sa controversial segment na Feeling the Blank. Hindi lamang sa segment na iyon mapapanood si Alden, sa famous segment din na Pranking in Tandem, na paglalaruan niya ang tatlong Alden look-a-likes sa hidden camera segment nila.

Mapapanood ito ngayong gabi, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Michael V. nagbabayad ng guesting kay Eugene

Nagbabayad-guesting si Michael V. kay Eugene Domingo sa Sunday comedy show nito na Dear Uge mamaya, after ng Sunday PinaSaya. Si Eugene kasi, ayaw nang mag-guest sa mga movies, pero hindi niya natanggihan si Bitoy nang mag-request sa kanyang mag-cameo role sa pinu-produce nitong movie with GMA Pictures, ang Family History kasama si Dawn Zulueta. Kaya nang si Uge naman ang nag-imbita sa kanyang mag-guest, hindi rin siya tumanggi.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with