^

Pang Movies

Fans ni Nora nabuhayan ng dugo!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabuhay ang dugo ng mga Noranian dahil sa balitang may gagawin daw na pelikula ang kanilang idolo na si Nora Aunor. Ninang Corazon daw ang title ng nasabing pelikula, wala naman daw itong koneksyon kay Corazon Aquino na dating presidente at nanay ni Kris Aquino.

Ayon sa usap-usapan, si Ms. Arlyn dela Cruz daw ang magdidirek nito, matagal na raw kasi itong usapan at noon pa pangarap ni Direk Arlyn ang makatrabaho si Nora.

Samantala, bukod sa Ninang Corazon, napapabalita ring may reunion movie siya kasama ang dalawang dating lalaki sa buhay niya, sina Tirso Cruz III at Christopher de Leon na ididirek naman ni Joel Lamangan.

Sana naman walang kokontrang negatibong tao tungkol sa magandang proyekto na ito ni Nora no.

Eddie wish na magising ngayong Father’s Day

Father’s Day sa Sunday kaya’t iisa ang dasal ng mga tao sa industriya at mga tagahanga, ang gumaling at gumising na ang veteran actor na si Eddie Garcia mula sa kanyang pagkaka-comatose.

Sabado ng tanghali noon nang pumutok ang balitang nadisgrasya sa set si Eddie, ang unang ulat ay inatake raw ito sa puso, hanggang lumabas na ang isang video na nagpapatunay na hindi inatake sa puso si Eddie kung hindi na­patid sa isang kable at nabalian ng buto. Neck fracture daw ang sanhi na malapit sa spinal column kaya agad na na-comatose ito.

Naikumpara tuloy ang pamamalakad ng GMA-7 sa ABS-CBN, paano kasi, ang tagal-tagal niya nang nasa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin pero kahit minsan ay hindi ito napabalitang nagkasakit o naaksidente sa set ng nasabing serye. Samantalang sa GMA-7, bagong lipat pa lamang siya ay ganoon na agad ang nangyari.

Hindi nga kaya ay may kakulangan talaga ang network? Ganunpaman, matinding panalangin at himala pa rin ang hinihintay ng lahat para kay Manoy.

Amalia pararangalang Icon ng The Eddys...

Sa birthday ni Alex Muhlach ay hindi naiwasang hindi mapag-usapan kung bakit hindi nakasama sa Mga Natatanging Bituin ng Siglo ang dating movie queen na si Amalia Fuentes. Humakot din ng maraming pera sa takilya ang nabanggit na aktres, kaya parang unfair na hindi siya napasali sa binigyan ng parangal. Imagine? lahat ng screen giants nabanggit maliban lang sa kanya.

Buti na lang at naalala siya ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) na samahan ng mga entertainment editor ng mga broadsheet at tabloid sa bansa at isa siya sa sampung pararangalan bilang Icon of Philippine Showbiz.

Shiela Ysrael gusto namang mag-kontrabida

Masaya si Shiela Ysrael noong ma-meet namin sa gabi ng Star Awards, hindi raw niya akalaing mabibigyan ng award na Best New Male Star ang anak niyang si Danzel Fernandez kay Congressman Dan Fernandez.

20 years ding hindi nag-showbiz si Shiela at pinag-iisipan pa niya kung tatanggapin niya ang alok na magbalik-showbiz muli bilang kontrabida. Type raw ni shiela ang magkontrabida for a change.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to June born celebrants:

Valeen Montenegro, Alex Muhlach, Sir Jerry Yap, Jun Oliva, John Lloyd Cruz, Francis Hiceta of Bacolod City at Joshua Aquino.                                                                                     

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with