^

Pang Movies

Zia sinasanay maging masipag

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Zia sinasanay maging masipag

Ang cute naman ng post ni Marian Rivera-Dantes sa kanyang Instagram story na nagpapakitang naglalampaso ng sahig ang panganay nila ni Dingdong, si Maria Letizia o si Ate Zia. Nag-viral ito at puring-puri ng netizens na kahit bata pa si Zia, marunong na itong tumulong sa gawaing bahay di tulad ng ibang bagets na spoiled sa kanilang mga parent. Nakakatuwang naka-duster din si Zia, akala mo ay munting dalaga.

Naalaala namin ang sinabi ni Dingdong noong interview niya sa Starstruck na hinahayaan nilang mag-asawang gawin ni Zia ang mga nakikita niyang ginagawa nila sa bahay tulad ng paglilinis at lalo na ang pag-aalaga nito sa baby brother niyang si Sixto o Ziggy. 

“Ate Zia” rin daw ang tawag nila, para masanay ito sa ganoong tawag. Kita raw nila ni Marian kung paano alagaan ni Zia si Ziggy.

Anyways, mali yata ang sabi ni Dingdong na baka hindi pa babalik sa trabaho si Marian ng July tulad nang nasulat, dahil Independence Day, June 12, post ni Marian sa IGs niya na “TVC shoot today #ForMyZiggy.” Hindi naman binanggit ni Marian kung ano ang isu-shoot niyang TVC at kung kailan ito mapapanood.

Ang napansin ng netizens ang napakagandang si Marian na para raw hindi nagsilang ng second baby niya. Caption ni Marian sa photo niya: “Happy to be back on the set! Can’t wait to share with you our newest tvc.”

Mga kasama niya sa showbiz ang nag-comment kung gaano pa rin kaganda si Marian kahit nagsilang na ito ng second baby niya.

Sa totoo lang, last month ay nag-photo shoot na si Marian ng isang bagong endorsement at ilo-launch na ito this month. Pero iyon nga lamang ang pagbabalik sa TV shows niya, by July pa talaga pwede siya, tulad ng Sunday PinaSaya at ang OFW docustories na Tadhana.

Kiray may plano na pag wala na sa showbiz

Maraming happy kay Kiray Celis na sa paglipat niya sa GMA Network, sunud-sunod ang work niya na hindi naman nagrireklamo ang petite actress-comedienne. Ilang shows na sa GMA ang nakapag-guest siya at siyempre thankful siya na kasama siya sa top-rating primetime romantic-comedy series na Love You Two na kasama niya, sina Gabby Concepcion, Jennylyn Mercado, Shaira Diaz, Jerald Napoles.

Ilang beses na rin siyang nag-guest sa Daig Kayo ng Lola Ko, pero ngayon siya ang bida sa month-long episodes ng DKNLK na Super Ki-riray and the Wonder Kids na may super power siya. Katambal niya ang Kapuso heartthrob na si Clint Bondad.

Pero kung ayaw nang mag-showbiz ni Kiray, may fall-back na siya, ang kanyang “Chicks and Fins” business.  One year na pala niyang naitayo ito sa Manila, successful naman at ngayon ay gusto niyang magkaroon na ito ng branch. Kaya lalong sinisipag sa trabaho niya si Kiray.

vuukle comment

MARIAN RIVERA-DANTES

ZIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with