^

Pang Movies

Dingdong ramdam agad pag may something ang isang tao!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dingdong ramdam agad pag may something ang isang tao!

Isa sa hosts ng original reality-based artista search na StarStruck 7 ay si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.  Co-host niya ang first Ultimate Survivor ng first batch ng Starstruck na si Jennylyn Mercado. Ang council of judges ay sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo, na siyang pumili ng 22 hopefuls.

Pero natanong si Dingdong, kung sakali bang ang wife niyang si Marian Rivera ang sumali noon sa StarStruck, mananalo ito?

“When I first saw her sa backstage ng isang studio, dahil hindi pa naman kami agad nagkatrabaho noon, sabi ko there is something sa taong ito,” sagot ni Dingdong. “Very interesting ang kanyang aura, ang kanyang physical appearance at kung sasamahan pa ng totoong ta­lent at kakayahan, nabuo ang hinala ko na may something sa kanya. Ganoon din sa mga hopeful na unang bubungad sa iyo ang appearance nila pero kapag sinamahan na nila ng totoong talent makikita mo na may mararating sila.”

Cherie hindi alam ang pinanggalingan ni Jennylyn

Nag-viral ang sinasabi ni Primera Contravida Ms. Cherie Gil, na isa sa council ng StarStruck 7 na “Don’t call me Tita.”  Kuwento ni Cherie sa interview sa kanya after ng mediacon na wala raw iyon sa script, naisip lamang niyang idagdag.

“Minsan kasi, nagugulat ako na lagi nang may tumatawag sa akin ng Tita, yung mga young star, kahit iyong mga staff, even the assistant directors, kaya tanong ko sa kanila, ‘bakit pamangkin ba kita?’” natatawang kuwento ni Cherie.  “Pero hindi ko naman sila pinagagalitan, ginagawa kong parang biro, pero totoo iyon.  Minsan kasi, hindi mo naman kilala basta tatawagin ka na lamang Tita.  Dapat ang tatawag lamang sa akin ng ‘Tita’ mga nephews and nieces ko, family friends at yung talagang nakakakilala sa akin.”

Ano ang tawag sa kanya nina Mikee Quintos at Kate Valdez noong ginagawa nila ang Onanay? “Ms. Cherie” raw.

First time ni Cherie na ma­ging judge ng Starstruck. “I was a judge before sa Protégé pero sa Starstruck ngayon lang,” sabi ni Cherie.  “I wasn’t familiar with it at now ko lang nalaman na si Jennylyn pala came from Starstruck. I already met the contestants for me, two boys and two girls. Pero syempre, I can’t reveal yet who they are.”

Kilalang mataray si Cherie, iyon ba ipu-project niya as a judge?

“Actually mahirap ang work namin as judge kasi as much as possible, you want to encourage these hopefuls.  But then, it’s a contest at matira ang matibay, so we can’t help but make a choice. I guess we’ll just have to be very very careful and kind in telling them how we feel, so we won’t sound very discouraging to those who will be eliminated.”

Sa Sabado, June 15 na ang pilot telecast ng StarStruck 7, after ng Daddy’s Gurl at sa Linggo, June 16, after ng Daig Kayo ng Lola Ko. 

Sa pilot episode pa lamang magkakaroon na agad ng elimination mula sa 22 hopefuls na napili na nila.  Walo agad ang matatanggal kaya 14 hopefuls ang matitirang daraan sa mga tests.

vuukle comment

KING DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with