^

Pang Movies

Pinatatayong bahay ni Derek para sa kanila ni Joanne, ibebenta na lang!

Gorgy Rula - Pang-masa
Pinatatayong bahay ni Derek para sa kanila ni Joanne, ibebenta na lang!
Derek Ramsay at Joanne Villablanca

MANILA, Philippines — Marami ang nanghinayang sa maganda na sanang relasyon nina Derek Ramsay at Joanne Villablanca.

Sa loob ng limang taon nilang pagsasama, marami na palang naplano ang Kapuso actor at isa na rito ang ipinapatayo niyang bahay.

Meron na pala siyang kinu-construct na bahay na pagsasamahan sana nila ni Joanne pag magpakasal na sila.

Nung sila rin ni Angelica Panganiban, umabot din ng 6 years ang kanilang relasyon, nagpatayo na rin daw siya ng bahay noon sa Taguig para matitirhan nila. Pero naghiwalay din sila, kaya ibinenta na raw niya ang bahay na iyun.

Itong ipinapatayo niyang bahay para sana sa kanila ni Joanne at ng isang anak nito sa unang karelasyon ay pinag-iisipan na raw niyang ibenta na lang dahil masyadong malaki na raw ito para sa kanya.

Ani Derek; “I’m building my dream house now and part of that dream is to be with Joanne, her daughter no?

“I’m thinking of maybe I might sell that house yung ginagawa ko ngayon dahil it’s too big for just me. I haven’t made any major decisions.”

Nakatira sila noon sa isang bahay niya sa Alabang at tinanong nga namin sa kanya kung balak din ba niyang ibenta na rin ito, dahil marami silang magagandang alaala ni Joanne sa bahay na iyun.

“I don’t want to just sell the house na I have lots of great memories. Because hindi kami nagkatuluyan,” pakli ni Derek.

“Ganun talaga ang buhay di ba? May ups and downs. Ang importante she got back on her feet and keep moving forward, and yun ang gagawin ko.

“I’ve been blessed with my new career sa GMA. I have a great show coming out, sa July. I have things to look forward to. Eventhough may setback with my personal life.

“Perhaps to be professional and I bring my 100 percent to work, still bring my 100 percent to being a father, and a good son to my parents. It’s not the end of the world. It’s really really sad, it’s really hard. Alam ko Jo and myself, we will both get free this and one day talk about this and be normal,” dagdag niyang pahayag.

So far, wala pang pahayag si Joanne kaugnay sa kanilang break-up.

Marami na ang kumokontak sa kanya para kapanayamin, pero hindi niya ito sinasagot.

Online hosting ni Kyline, umpisa na!

Sa June 15 na pala magsisimula ang Starstruck at exciting ang pilot episode nila kasama ang Starstruck Council nilang sina Heart Evangelista, Jose Manalo at Cherie Gil.

Sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ang host, pero may online host silang si Kyline Alcantara, at ngayong araw na ito magsisimula.

Magsisimula na ito na pinamagatang Inside Starstruck na kung saan dito mapapanood ang mga behind-the-scene footages ng audition at highlights ng naturang talent-reality search.

Dito rin sa Inside Starstruck unang iri-reveal ang top 22 pagkatapos nasala nang husto ang mga nag-audition dito sa Maynila at sa iba’t ibang probinsya.

Kaya puwede na kayong mag-subscribe sa YouTube channel ng programang ito para ma-update kayo sa mga latest news sa mga Starstruck hopefuls.   

vuukle comment

DEREK RAMSAY

JOANNE VILLABLANCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with