^

Pang Movies

Kim, Xian, at Erich kakaiba ang gagawin

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kim, Xian, at Erich kakaiba ang gagawin
Erich Gonzales,Xian Lim, Kim Chiu

Ang look test ng Love Thy Woman cast noong Saturday.

Natuwa ang fans ng KimXi love team dahil doon.

Bukas ang first day taping ng nasabing ABS-CBN series under Dreamscape ni Sir Deo Endrinal, pero as of 4:00PM yesterday, hindi pa sure kung sinu-sino ang mga kukunan today.

Hindi pa rin 100% hanggang sa mga oras na ginagawa ko ang column item na ito kung tuloy na tuloy na ba ‘yon.

Pero sabi sa akin ng isang staff, ang ganda raw ng istorya ng Love Thy Woman na pangungunahan nina Kim Chiu, Xian Lim at Erich Gonzales.

Bongga nga pala ang career ngayon ni Xian dahil bukod sa series na ‘yon, isu-showing na ang Untrue movie nila ni Cristine Reyes plus ginagawa niya ang pelikula nila ni Alex Gonzaga at may iba pa siyang projects sa Viva.

Sarah at Richard ayaw na sa plastic!

Ang bonding ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at sa mga apong sina Zion at Kai sa Shangri-La The Fort noong Saturday afternoon.

Bale pinag-usapan na rin nila doon ang tungkol sa baptismal cum first birthday party ni Kai na magaganap sa Makati City on Sunday.

Ipinakita ni Bisaya kina Richard at Sarah ang sample ng design sa party na may baloons, pero pinatanggal ng mag-lovey-dovey ang baloons dahil ayaw nilang may plastic dahil dalawa sila sa mga nagtataguyod na hindi dapat gumamit ng plastic.

Pinaalalahanan pa ako ni Richard na hindi na ako dapat gumamit ng plastic straw.

Bibigyan nga raw ako nina Richard at Sarah ng metal straw na reusable.

Ipinaalala rin sa akin ni Richard na dalhin ko palagi ang personal tumbler ko para hindi na ako gagamit ng disposable cup sa tuwing magkakape.

Bayani hindi first choice sa Feelennial

Sa tagal ng direktor na si Rechie del Carmen, marami ang nagulat na ang Feelennial (Feeling Millennial) pa lang ang first movie directorial niya.

Marami na siyang naging project, pero ang BFF niyang si Pops Fernandez ang nagbigay sa kanya ng break sa pelikula.

Ibinuking nga pala ni Direk Rechie na nang una nilang pag-usapan ni Pops ang Feelennial, hindi si Bayani Agbayani ang co-star dapat ni AiAi delas Alas.

Dapat daw ay babae rin ang isa sa mga bida with AiAi, pero naisipan daw ni Pops na bagay si Bayani sa pelikula.

Mukhang mas naging ok naman dahil kuwela ang tambalan nina AiAi at Bayani.

vuukle comment

ERICH GONZALES

KIM CHIU

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with