^

Pang Movies

Sarah at nanay ni Matteo todo bonding kahit ‘di kasama ang aktor

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sarah at nanay ni Matteo todo bonding kahit �di kasama ang aktor

Ang ganda ng nakita naming litrato, magkasama sina Sarah Geronimo at mommy ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli. Kasama ang isang kaibigan, tila magbi-breakfast ang future magbiyenan. Parehong nakangiti sina Sarah at mom ni Matteo, hindi lang nabanggit kung sinundo ba si Sarah ng mom ni Matteo o si Sarah ang sumundo sa mom ng BF.

Natuwa ang shippers ng dalawa dahil kahit wala ang aktor, nagkikita pa rin ang future magbiyenan. Maganda raw ang ginawa nina Sarah at mom ni Matteo na mag-bonding para hindi nila ma-miss si Matteo na nagti-training sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

Speaking of Sarah, nagsimula na siyang mag-shooting ng Viva Films movie na Unforgettable  at sa napanood naming video, si Ara Mina ang kaeksena ni Sarah. Sina Jun Lana at Perci Intalan ang dalawang directors ng nabanggit na pelikula na kasama pa rin pala ang aso.

Pelikula nina Aga at Alice may ibang story!

Naka-post na sa Instagram (IG) ni Aga Muhlach ang official trailer ng pelikulang Nuuk na pinagsamahan nila ni Alice Dixson. Sa direction ni Veronica Velasco, kinunan sa Greenland ang pelikula na based sa trailer, hindi siya love story, mysterious ang pelikula at maging ang karakter ni Aga.

Marami agad ang nagkagusto sa pelikula sa trailer pa lang at sinabing panonoorin daw nila ang bagong pelikula ni Aga na showing this 2019. Naintriga ang netizens sa story ng Nuuk lalo na sa isang dialogue ni Alice na ayaw naming isulat para hindi kayo ma-preempt.

Sa trailer, nakasulat na ang Viva Films at Embassy of Denmark at isa pang producer ang mga producer ng Nuuk.

Katawan ni Barbie nilalait-lait!

Ang mga basher talaga, lahat na lang napapansin sa mga pino-post ng mga celebrity at isa sa hindi nakaligtas ma-bash ay si Barbie Forteza. Akalain niyo, na-bash ang bida sa Kara Mia dahil hindi raw nagpo-post ng pictures niya sa IG na full body. Wala rin daw pino-post si Barbie na litrato niyang sexy ang suot na damit.

Lagi raw half body at mukha lang ang pino-post ni Barbie at ‘yun daw ay dahil hindi siya sexy. Nang-intriga pa ang basher, bakit daw hindi gayahin ni Barbie ang future hipag niyang si Sanya Lopez na sexy at pi­nayuhan pa si Barbie na mag-workout para maging sexy din gaya ni Sanya at ibang Kapuso aktres.

Mabuti at hindi pinatulan ni Barbie ang basher at sa halip, nag-post siya ng picture na kita ang kanyang likod na ipinag-react ng mga kaibigan ng aktres. Nanibago sila na nagpakita ng likod si Barbie, pero siguradong may masasabi pa rin ang bashers.

Isyu sa bashers ang katawan ni Barbie, para namang hindi nila nakikita ang kabuuan ni Barbie sa Kara Mia at nakikita naman nilang slim at hindi ito mataba.

Saka, kung gusto ni Jak Roberto ng seksing GF, hindi sana si Barbie ang niligawan at syinota nito.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with