^

Pang Movies

Heart natatakot magpa-check up ng kamay!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Heart natatakot magpa-check up ng kamay!

Kahit na matagal nang nakabalik ang Starstruck council na si Heart Evangelista-Escudero mula sa pag-shoot niya ng pelikula sa bansang China, hindi pa rin daw nawawala ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga kamay.

Nagkasugat at nagkapasa ang mga kamay ni Heart habang sinu-shoot niya ang international action movie. Dahil hindi pa raw nawawala ang sakit, ipapa-check up daw niya ang kanyang mga kamay. May mga bagay na raw siyang hindi magawa dahil sa sakit ng kanyang mga kamay.“It’s still painful, I have to get an X-ray actually. Kasi ‘di ko ma-ponytail ‘yung hair ko and ‘di ako maka-open ng bottle.

“So feeling ko may something. I just have to discover what it is kasi natatakot akong magpa-check,” diin ni Heart.

Wala naman daw pagsisisi si Heart sa paggawa ng movie dahil once in a lifetime lang daw darating ang gano’ng klaseng pelikula. Magkakaroon kasi ng red carpet premiere ang movie at iyon ang ikina-e-excite ni Heart.

“Kasi nag-look forward lang ako ‘dun sa red carpet sa Hollywood, ‘di ko masyadong naisip ‘yung movie. Akala ko mawawala talaga ‘yung pain pero hindi siya nawala. ‘Di kasi siya nakakaganda at ‘di ko bet!

“Pero at least tapos na ‘yung first movie and then I’ll go back to China soon for the second one - which I believe will be more stressful,” pagtatapos pa ni Heart.

Kristoffer nagsalita sa pagpapanggap na fan ng Blackpink

Nagulat na lang ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin dahil sa natanggap niyang bashing mula sa ilang Pinoy avid fans ng K-pop girl group na Blackpink. 

Pinagdiinan kasi ng mga fans, na kung tawagin ay “Blink”, na fake fan ng Blackpink ang aktor at nakikisakay lang daw ito.

Nagsimula raw ang lahat ng aminin ni Kristoffer na palihim niyang iniidolo ang Blackpink na binubuo nina Jisoo, Jennie, Rosé, at Lisa. Nai-tweet ng aktor ang kanyang paghanga sa grupo nung dumalo siya sa meet-and-greet nito na organized ng shopping app na Shopee.

Pero di raw na-convince ang Blink fans dahil hindi raw pina-follow ng aktor ang lahat ng members ng Blackpink. 

Kahit na may nagdududa, pinagdiinan ni Kristoffer na fan siya ng Blackpink. “Totoong fan ako. Sayawin ko pa lahat ng kanta nila eh. Ang nangyari, may nagstalk, may nakitang di nafollow, nagalit, inatake ako. Sino may problema? Di man siguro ako kasing lala ng ibang Blinks na alam lahat. Pero I appreciate them. Fan nila ako.”

Wonder Woman malapit na ulit lumipad!

Pinost ng director na si Patty Jenkins sa kanyang Twitter account ang bagong poster look ni Wonder Woman sa pelikulang Wonder Woman 1984. May hashtag ito na #WW84 at ipapalabas ito sa June 5, 2020.

Suot ng bida na si Gal Gadot ang Golden Eagle costume ni Wonder Woman at ang backdrop niya ay rainbow color stripes. Ito ang isa sa original costumes ng DC comics heroine na lumabas sa DC Comics. 

Dahil sa change of playdate, hindi na raw makakasali ang pelikula sa San Diego Comic-Con sa taong ito.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA-ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with