^

Pang Movies

Monsour naniniwalang may nangbuyo lang kay Hidilyn

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Monsour naniniwalang may nangbuyo lang kay Hidilyn

Isa ring atleta ang actor na si Monsour del Rosario. In fact, kaya nga siya napasok sa mga action movies noon, bukod kasi sa pagiging modelo, siya ay isang taekwondo enthusiast. Nang malaunan, siya ay naging world champion sa taekwondo.

Hindi lang siya naging presidente ng kanilang national sports association, siya rin ang presidente ng Asian Taekwondo Federation. Siya sana ang chef de mission sa SEA Games na gagawin dito sa Pilipinas pero napalitan siya dahil sa ilang pagbabagong nangyari lately.

Bilang isang atleta, nalungkot din naman si Monsour dahil sa sunud-sunod na pamba-bash ng mga netizen kay Hidilyn Diaz, dahil sinasabi nila wala sa lugar ang pagsasabi noong hirap na hirap na siya sa buhay dahil sa kanyang training ganoong milyong piso naman pala ang natanggap niyang suporta mula sa gobyerno at mula rin sa pribadong sektor. Lumabas din ang medyo hindi magandang kuwento na gusto niyang bayaran ng Pilipinas ang kanyang boyfriend ng 1900 dolyar buwan-buwan bilang physical trainer niya. Nakapag-usap na rin naman siya at ang mga leader ng POC at PSC, at siguro ay maayos naman iyon, pero hindi pa rin natitigil ang pamba-bash sa kanya. Kasi naman “napakagandang idea ang kanyang paghihimutok”.

Pero para kay Monsour, may epekto sa pagsasanay ni Hidilyn ang ganyang reaksiyon sa kanya ng publiko. Masakit para sa isang atleta, sabi ni Monsour, iyong lumalaban ka tapos naiisip mo wala namang moral support sa iyo ang mga kababayan mo. Maaaring nagkaroon nga ng pagkakamali si Hidilyn, sabi niya, pero sino ba ang hindi nagkakamali.

Natawa lang si Monsour sa sinasabing, “may nagtuturo kasi ng palpak diyan kay Hidilyn”.

Poging aktor na nilayasan ng live in, nahuling ipinakilala  sa mga magulang ang bagong GF na sexy

Ito pala ang totoong inside story sa isang recent break up sa showbusiness.

Matagal na naman pala ang problema dahil hindi nga raw mapigil ang pagiging pilyo ni pogi sa mga babae at apektado ang kanyang girlfriend. Tumindi lahat iyan nang mabalita ang diumano ay pagiging “sobrang close” ni pogi sa isang sexy lady, na hindi matanggap ng kanyang syota. Nahuli ni syota ang mga text message sa cellphone ni pogi, pero nag-deny siya.

Sa katindihan ng problema, nagulat ang girlfriend ni pogi nang makita ang picture ni sexy lady na kasama ang buong pamilya ni pogi. Doon tumibay ang paniwala niyang may relasyon na nga sila.

Nang magkaroon ng isang out of town location si pogi, at hindi makakauwi nang ilang araw, sinamantala na iyon ng girlfriend niya na hakutin ang lahat ng kanyang mga gamit sa kanilang bahay, umalis siya dala pati na ang kanilang aso, at hindi na bumalik. Hindi na rin sila nag-usap pa ni pogi. Ayaw na niya. Ito iyong side noong babae. Si pogi, ayaw magsalita tungkol doon maliban sa wala na sila. (Tito bakit po blind item. Hahaha. -Salve)

Anak ng aktres nilalait dahil magkakaiba ang itsura

“Bakit ang papangit nila, hindi kagaya ng kapatid nila,” sabi ng isang usyosera habang tini­tingnan ang pictures ng mga anak ng isang female star.

Magkaiba naman kasi ang tatay ng mga anak niya, kaya natural hindi naman lahat lumabas na maganda. Mayroong mukhang artista rin talaga, mayroon namang mukhang puwit ng kawali ang hitsura. Hindi naman puwedeng lahat ng anak mo magaganda lalabas. Ganoon lang talaga ang buhay.

vuukle comment

MONSOUR DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with