^

Pang Movies

Direk Joey gustong papalitan ang Idol PH

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

May mga nagalit kay director Joey Reyes nang i-suggest na palitan nina Gary Valenciano, Morisette Amon at Jed Madela ang tatlo sa apat na judges sa Idol Philippines. Walang binanggit na pangalan si direk Joey, pero ang hula ng netizens, sina Vice Ganda, Moira dela Torre at James Reid ang gustong papalitan ni direk Joey.

Gaya ng nasabi namin, may mga nagalit kay direk Joey, pero may mga nag-agree rin. Lalo na kay Moira na boring at bland daw mag-comment at pare-pareho ang sinasabi sa mga sumasali.

Nagsalita na at sinagot na ni James ang mga tanong kung bakit siya kinuhang judge, pero may mga humirit kung bakit siya napili? Hindi raw sapat na rason na singer, record producer and he writes his own songs.

Anyway, nakatulong na hindi na sumagot sina Vice, Moira at James kay direk Joey na hanggang ngayon, naba-bash pa rin.

Pops aggressive sa movie nina AiAi at Bayani

Natawa kami sa caption ni Pops Fernandez sa pinost niyang video nina AiAi delas Alas at Bayani Agbayani na comedy movie na Feelinnial na co-produced ni Pops under DSL Productions na sinimulan ng inang si Dulce Lukban. Kinakanta nina AiAi at Bayani ang Pagdating ng Panahon na hindi matapus-tapos. Sabi ni Pops, “Sana matapos nila yung kanta... bago mag-open ang movie sa June 19” at sinundan ng emoji ng hands clasp in prayer.

Speaking of Pops, pinuri siya dahil tinanggap na parang tunay na anak si Santino, anak ng ex-husband niyang si Martin Nievera sa ibang babae. Sa isang latest photo, kasama nila ni Martin ang mga anak na sina Robin at Ram at si Santino at positive ang comments ng netizens.

May heart of gold daw si Pops to accept Santino. Pero, mukhang malabo sa ngayon ang wish ng iba na magkabalikan na sila dahil may GF si Martin. Wala namang balita kung may lovelife si Pops.

Workout videos ni Anne inuulan ng milyon!

Dahil sa 11.8 million followers sa Instagram (IG), mabilis kay Anne Curtis ang abutin ng one million ang video and photos na pino-post. Ang latest video post nito na mabilis umabot sa 1m ang views at likes ay ang workout video na matagal nang nire-request sa kanya.

Considering na simple video workout lang ang pinost ni Anne dahil sabi nga nito, gagawa siya ng mas maganda, pero may 1, 124, 284 views na ang video.

Speaking of Anne, ibinalita nitong tapos na ang shooting nila ni Marco Gumabao ng Viva Films movie na Just A Stranger. May mga eksenang kinunan si director Jason Laxamana sa Portugal at may eksena ring kinunan sa Pampanga.

vuukle comment

JOEY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with