^

Pang Movies

Aga at Alice hinulaang mas papatok kesa kay Bea

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Aga at Alice hinulaang mas papatok kesa kay Bea

Kanino kaya mas papatok si Aga Muhlach sa dalawang romance movie na ginawa niya bilang hudyat ng kanyang pagbabalik sa paggawa ng pelikula?

Kay Bea Alonzo ba na nakasama niya sa Canada sa paggawa ng First Love o kay Alice Dixson na kapareha niya sa pelikulang Nuuk na sa Greenland pa kinunan?

Ang Nuuk ang kapital ng Greenland. Marami ang naniniwala na mas papatok ang tambalan nila ni Alice dahil third team up na nila ito. Ang unang dalawang pagtatambal nila ay naganap nung 1989 sa Hot Summer. Ang ikalawa naman ay  nung 1991 sa Joey Boy Munti. Baka nasasabik na sa kanila ang fans dahil 18 years na nang huli silang magsama.

Joshua-Janella susubukan kung tatanggapin

Sana matuloy na ang pagpapareha kina Joshua Garcia at Janella Salvador sa bagong teleserye ng ABS-CBN na The Killer Bride. Ikatlong pagtatangka na ito ng Kapamilya na pagsamahin ang dalawa sa isang project pero hindi nag-materialize dahil nga mayro’n na silang ka-loveteam nun. Ngayong pareho na silang libre, magiging malakas silang suporta ni Maja Salvador sa nasabing serye.

Malaking effort at risk ang susuungin ng tambalang Joshua-Janella pero, ibang kuwento ang gagawin nila at hindi ito movie. Mas mahaba ang magiging exposure nila. Sa halip na sila, baka si Maja pa ang magsilbing support para matanggap ang partnership nila.

Sisi pang-MMK ang buhay

Kung gagawin ng Maalaala Mo Kaya ang istorya ng volleyball superstar na si Cherry Ann “Sisi” Rondina sa isa sa mga episode nito, dapat ay ngayon na habang sariwa pa sa alaala ng lahat ang ginawang magic ng naging MVP sa volleyball na muntik nang bigyan ng isang kampyonato sa volleyball ang UST. Hindi na lamang nila kinaya ng mga kasamahan niyang Tigresses ang mas matatangkad at mas beteranong Lady Eagles ng Ateneo. Hindi nakapagtataka kung isalin man ng ABS-CBN ang lifestory  ni  Sisi Rondina sa TV, malaki ang following nito at marami nang fans.

Si Kim Chiu ang peg nito para gumanap ng role niya. With MMK’s expertise sa pagbibigay buhay sa TV ng mga maningning na personalidad  sa lahat ng bahagi ng lipunan, magugustuhan ng manonood ang nakaka-inspire na kuwento ng isang mahirap na Cebuana na sumikat dahil sa volleyball. Nakatakda kasing mapanood sa MMK ang episode na tatampukan ni Arjo Atayde para sa 28th anniversary ng natatanging drama anthology ng bansa at ang life story ni Moira dela Torre.

Jackie iniyakan ang pagdi-deny ng BF

Marami ang nagtaka sa pagiging emotional ni Jackie Gonzaga sa It’s Showtime nung nakaraang araw. Bigla na lamang itong napaiyak habang kausap si Vice Ganda. Akala tuloy ay bunga ito ng sinasabing break-up nila ng Hashtags member na si Tom Doromal na itinatanggi mismo ng dancer ng It’s Showtime.

Kung hindi yun eh, anong dahilan? At bakit may balitang hiwalayan sila ni Tom? Buti pa si Ion Perez, mukhang happy sa relasyon nila ni Vice.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with