^

Pang Movies

Liza malaki ang nagastos

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagkaroon ng internal fixation finger si Liza Soberano at sa USA na ito ginawa. Isipin ninyo, biglang lumabas na infected pala ang kanyang finger kaya matagal gumaling. Hindi nga naayos noong una siyang operahan at talagang walang nangyari. Tapos nagkaroon pa siya ng bone infection.

Kaya ang balak daw sanang sandali lamang pagpapagamot sa US para mai-correct kung ano man iyong mga naunang pagkakamali, ngayon tumagal dahil kailangang manatili siya sa ospital nang ilang araw kasi nga kailangan na siyang bigyan ng antibiotics dahil sa kanyang infected finger bago siya naoperahang muli.

Malaki na ang gastos na iyan ni Liza dahil lamang sa isang aksidente noong ginagawa pa niya ang seryeng Bagani. Nangyari iyan sa set mismo habang may taping.

Kung ‘yan ay karaniwang employment, pananagutan ng kumpanya ang anumang aksidenteng naganap habang ang isang tao ay nasa kanyang trabaho. Pananagutan din ng kumpanya ang kitang nawala sa tao dahil sa aksidente sa oras ng kanyang trabaho mismo.

Kung sa US iyan, bukod sa personal health insurance, may insurance rin ang kumpanya para managot sa ganyang problema. Dito sa atin, hindi lahat ay may ganyan.

Kung star ka kagaya ni Liza, baka may maasahan ka pang tulong. Kung iyan ay nangyari sa isang hindi kilalang artista, tiyak na ang maririnig mo ay ipinanghihingi na iyan ng tulong ng kanyang mga kasamahan o kung hindi pababayaan na iyan tutal finger lang naman.

Pero ano ba talaga ang tama?

Anak ni Dawn na artistahin, nagpakita na

Marami ang nakapansin, maganda at maaari ring maging isang artista ang anak na babae ng aktres na si Dawn Zulueta, si Ayisha Lagdameo. Nag-post kasi si Dawn ng picture nilang mag-nanay nang magkaroon ng activity sa iskuwelahan ang kanyang anak.

Pero ang kuwento nga ng isang common friend, matalino ang anak na babae ni Dawn at bukod doon siya ay isang mahusay na ballet dancer. Natatawa nga siya nang sabihing baka hindi naman ambisyunin ni Ayisha na maging isang artista.

Masasabi ba ninyo iyan eh ang nakagisnan niya mahusay na artista ang ermat niya. Bata pa iyan sa ngayon pero hindi ninyo masasabi kung ano ang magiging takbo ng isip niyan pagdating ng panahon. May nagsasabi pa nga, para daw “batang Liza Soberano si Ayisha”. Hindi naman. Para siyang batang Dawn Zulueta.

Pagkatalo ng isang kandidato, kasalanan ng mga supladitang anak!

Natalo ang isang kandidatong umaasang mananalo siya dahil sa kampanya  ng kanyang mga anak na parehong nasa showbiz. Pero iyong totoong kasupladahan ng kanyang mga anak na lumabas noong panahon ng kampanya ang siya niyang ikinatalo. Isipin mo, wala pa sa puwesto ang tatay nila ganoon na kung makaasta. Bakit nga ba iboboto pa ang tatay niya. Lost ang tatay nila sa eleksiyon.

Kung minsan kasi ang nagpapatalo pa sa mga kandidato ay ang nakikitang hindi magandang ugali ng kanyang mga kaanak na hindi pa man, matataas na ang lipad.

Ngayon pare-pareho na silang lost.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with