^

Pang Movies

Angelica may chance na uli? Derek Ramsay hiwalay na sa ka-live in

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Angelica may chance na uli? Derek Ramsay hiwalay na sa ka-live in

Wow may chance na kaya uli si Angelica Panganiban kay Derek Ramsay?

Yes kinumpirma nga ng actor sa kaibigang si Arniel Serato ng pep.ph na hiwalay na sila ng girlfriend na si Joanne Villablanca na matagal din niyang naka-live in.

Ayon sa sagot ng actor sa interview ni Arniel, “It’s all for the best” daw ang desisyon nila.

Matagal-tagal na ring naghahanap ng magiging karelasyon si Angelica matapos ngang maudlot ang sinasabing balikan sana ng isa pa niyang ex na si Carlo Aquino.

Though baka din naman daw para rin ang nasabing break up ginagawa niyang (Derek) na serye sa GMA 7 na The Better Woman with Andrea Torres na sexy-drama series at nagsimula na ang taping last month.

“You get to see the other side of her [Andrea], which to me is very, very important. If you want to build a bond with your leading lady, you should know who she is - her showbiz side and her real side,” sabi noon ni Derek pagkatapos nilang mag-look test ni Andrea na aminado na pinaghandaan niya (Andrea) talaga ang kanyang bagong show at gagawin niya ang lahat para mabigyan ng justice ang role sa serye.

May pagkakataon ding pinagtatanggol pa ng actor si Andrea sa bashers.

Walang binigay na detalye ang actor sa naging rason ng hiwalayan nila ng model na nabalita noong kasal na sa actor.

Pareho nang nagbura ng kanya-kanyang post sa IG na magkasama sila Derek at Joanne.

Carlo nag-sorry, sinalag ang mga birada sa GF

Speaking of Carlo, kahapon din ay nag-sorry naman ang actor sa mga ‘basher’ na bumibira sa kanya. Siyempre may konek pa rin ito kay Angelica Panganiban na pakiramdam ng fans nila ang pinaasa ng actor.

“Walang ibang may kasalanan kung hindi ako. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Kung magagalit kayo, sa akin kayo magalit. Hindi sa ibang tao. Hindi kay Trina. ...Dahil ako ang nagdesisyon. Huwag niyo na po idamay ang ibang tao dahil wala silang kasalanan. Lahat ng galit ninyo tatanggapin ko pero huwag niyo na lang ipasa sa ibang tao dahil wala silang ginawa,” pagtatanggol niya sa non showbiz girlfriend na mas pinili nga niya nga kesa sa aktres na umaasang magiging sila uli.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

JOANNE VILLABLANCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with