^

Pang Movies

Gabby nagpapaka-wais sa career!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gabby nagpapaka-wais sa career!
Gabby Concepcion

Sa tingin namin, naging wise si Gabby Concepcion at tama ang timing ng kanyang pagkakalipat ng network. Isipin ninyo, bago siya lumipat ng network, ang akala ng iba hanggang doon na lang ang kanyang career. Hindi kasi masyadong kumikilos. Lumipat siya ng network, nakatiyempo ng isang magandang material. Sino ba naman ang magsasabing ang team up nila ni Sunshine Dizon ay makakahakot ng ganoon kala-king audience. Magmula noon, naiba na ang takbo ng career ni Gabby.

Siyempre dahil mataas na ang kanyang popularidad, mayroong mga lalapit sa kanya para ma-kinabang din naman sa bagong kasikatan niya pero mabuti naging wise siya at natutuhan na niya kung papaano iiwas sa mga proyektong flop. Aba kung sa ngayon makakagawa siya ng flop, panibagong usapan na naman iyan.

Ngayon nalagay na ang kanyang bagong serye sa prime time, at sa totoo lang nakakagulat din ang audience share ng drama nilang dalawa ni Jennylyn Mercado. Aminin natin na mas mataas ang audience share niyan kaysa sa ibang nagawa na ni Jennylyn.

Sino nga ba ang mag-iisip na sa edad ni Gabby, matinee idol pa rin ang tingin sa kanya at kahit na kaninong leading lady siya isama, okay lang. Huwag lang siyang sasama sa talagang mga laos na dahil tiyak pati siya mababatak pababa.

Natuto na ring dumiskarte sa kanyang career si Gabby. Hindi kagaya noong araw na kung anu-anong pelikula rin ang nagawa niya. Bata pa siya noon, kung magkamali man may pagkakataon pang makabawi at saka may back up siya ng kanyang mga producers noon. Ngayon on his own na siya kaya kailangan matinding diskarte sa  bawat galaw niya

The Eddys walang ‘lubrication’

“We hope to give an award without questions,” iyan ang sabi ng isa naming kaibigang kabilang sa The Eddys. Ibig sabihin, sa pagkakataong ito, sinasabi ng mga lehitimong entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo lamang, na ang ibibigay nilang award ay walang masasabi kahit na sino.

Kung sabagay, sa nakaraang dalawang taon naman niyang The Eddys, wala naman talagang naibutas. Wala nakapagsabing nagkaroon ng lagayan. Walang nakapagsa­ sabing may umiral na personal na interest. Hindi rin nasabing sila ay naimpluwensiyahan ng mga puwersa sa paligid nila.

Pero kagaya ng lahat ng awards, maski nga sa Oscars, may mga taong iba ang choices, pero ang maganda wala ngang nakikitang anomalya. Walang usapan na nagkaroon ng “lubrication” o padulas.

Aktor nabili ang ‘suwerte’

“Nakakasuka ang acting niya sa pelikulang iyon. Noong mapanood ko iyon, noon ko na-realize na hindi siya talaga marunong umarte,” ganyan ang description ng isang kritiko sa napanood niyang acting ng isang nalalaos na actor.

Pero ang suwerte, minsan dumarating, minsan “nabibili” rin. Madali mo namang malaman kung dumating o “nabili” lang. Basta nabili lang, huwag na tayong maglokohan dahil kahit naman siya mismo alam niya iyon. Nabili lang.

Ganyan lang talaga ang buhay. Kung laos ka na bibilhin mo na ang suwerte mo. Lalapit ka na sa mahuhusay na “taga-areglo”.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with