^

Pang Movies

Robin kinu-kuwestiyon kung kakayanin pa ang training sa army!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Robin kinu-kuwestiyon kung kakayanin pa ang training sa army!
Robin Padilla

Nagsabi si Robin Padilla, pabor siya sa mandatory ROTC. Para bigyang diin nga iyon, papasok daw siya sa Philippine Army reserves at sasailalim siya sa training. Naniniwala kaming magagawa iyan ngayon ni Robin dahil hindi naman siya ganoon ka-busy sa kanyang career. Natapos na rin iyong panahong kabi-kabila ang kanyang mga pelikula. Hindi na rin naman siya gaanong nagpo-produce ng pelikula dahil medyo tumagilid naman ang mga ginawa niya noon.

Pero may nagtatanong nga, sa edad daw ba ni Robin sa ngayon, kaya pa niya iyong klase ng training na dinadaanan ng mga sundalo?

Kung sabagay, mayroon namang kunsiderasyon iyan. Ang training conditions naman na ibibigay  ay tiyak hindi kasing tindi noong sa mga karaniwang sundalo. Maski naman ang kay Matteo Guidicelli eh, tingnan ninyo kung magagalusan man lang iyan. Hindi ganoon kahirap ang training.

Juday pumalag sa peke

Ewan kung ano nga ba ang mangyayari sa ginawang pagpalag ni Judy Ann Santos laban sa isang kumpanya na naglabas ng fake ads na diumano ay ginamit niya ang kanilang produkto para makapagbawas ng timbang. Hindi raw alam ni Juday iyon at hindi pa niya nakikita ang produktong iyon na diumano ay gumagamit ng mangosteen, sa buong buhay niya.

Sinabi rin ni Juday na hindi totoong may social media account siya para sa mga endorsement lamang ng mga ganyang negosyo.

Ano nga ba ang gagawin mo kung ganoon, na ni hindi mo nga alam kung sino ang gumagawa.

Ang magagawa lamang ni Juday kung sakali ay alamin kung sino nga ba ang manufacturer ng produktong iyon at sampahan ng demanda kung mapapatunayang sila nga ang naglabas ng fake ads. Pero madali rin silang mag-deny at magsabing hindi nila alam kung sino ang naglalabas sa social media.

Hindi kagaya sa lehitimong diyaryo, basta may lumabas na ganyan, sigurado may advertising contract kaya maliwanag kung sino naglalabas. Eh sa social media, walang legal na puwedeng pag-usapan.

Ang isa pang dapat sigurong mangyari, tingnan ng DTI kung makapaglalagay sila ng isang tanggapan kung saan maaaring magreklamo ang isang artista, modelo o kahit na karaniwang tao na basta na lang ginagamit ng mga negosyanteng fly by night para maendorso ang kanilang produkto.

Maaari kasi nilang alamin kung sino ang gumagawa ng mga ganyang produkto, batay sa business registration sa kanilang tanggapan. Kung walang business registration tiyak wala rin silang permiso ng FDA dahil pinalalabas nilang iyan ay “food supplement” na mas malaking problema pa.

Minsan naman kailangan maghigpit tayo nang kaunti.

Aktres na inalok na manalo ng award, hiningan ng pampadulas!

May isang aktres, inalok daw siya kung gusto niyang manalo ng award. Sinabi raw kasi sa kanya na sa deliberations, walang kumontra sa kanya. Ibig sabihin halos lahat naman ay pabor na manalo siya. Ganoon pa man, kailangan ng “kaunting padulas”.

Hindi iyon pinatulan ng aktres. Ang katuwiran niya, kung lulusot-lumusot na lang. Ayaw niya noong mayroon pang “lubricant”.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with