^

Pang Movies

Shaina nagsalita sa pagiging past at present ni Piolo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Shaina nagsalita sa pagiging past at present ni Piolo!
Shaina Magdayao

Sa presscon kahapon ng iWant digital series na Past, Present, Perfect?, masayang ibinahagi ng bidang si Shaina Magdayao ang napakagandang karanasan niya sa CANNES International Film Festival with Piolo Pascual para sa pelikula nilang The Halt (Ang Hupa) directed by Lav Diaz.

Ang nasabing film ay naging part ng Directors’ Fortnight ang pelikula nila na The Halt (Ang Hupa).

Ayon sa aktres, sobrang proud and honored niya na dumalo for the first time sa CANNES at rumampa sa red carpet.

“It’s an honor to represent our country. Ang da­ming Hollywood stars doon. And hindi rin naman na­ming naisip na makakarating kami together (ni Piolo) sa CANNES,” sabi ni Shaina.

Asked kung sinu-sino ang nakita niyang Hollywood stars, aniya ay sina Robert Pattinson, Willem Dafoe, Julianne Moore at marami pang iba. Ang ikinalulungkot daw niya ay hindi niya nakita si Brad Pitt at si Leonardo DiCaprio.

“Sobrang daming tao. People from all over, lahat ng gustong magpa-discover, lahat ng producers, lahat ng writers, lahat ng artista, gustong mag-artista, model, nandu’n lahat. And overwhelming ‘yung buong place. It’s very much alive.

“Pero we were also busy rin kasi with the interviews para du’n sa film namin dahil nagpunta po kami ru’n to represent our film. Unfortunately, hindi ko na-meet si Brad Pitt at si Leonardo di Carpio. So, sa panaginip ko na lang po sila imi-meet,” natatawang sabi ni Shaina.

Dahil nga Past, Present, Perfect? ang title ng kanyang serye, nai-connect si Piolo na naging part ng past niya pero kasama pa rin sa kanyang present.

Ano ba talaga ang meron sa kanila ni Papa P (tawag kay Piolo)?

“Nasa present, nasa past,” natatawa niyang sabi.

Nilagay daw si Piolo ni Lord sa kanyang past at nandiyan pa rin hanggang ngayon sa present.

Diretsong tinanong si Shaina kung nagkaroon ba sila ng “something” ni Piolo at diretso rin niyang sinagot na hindi raw.

“Hindi. Nandiyan lang siya. Hayaan lang natin. Kapagka dumating naman ‘yung future, gaya ng sabi ko, sasabihin ko naman at aaminin ko naman sa inyong lahat.”

What about the future? Andiyan pa rin kaya si Piolo?

“Hindi ko alam ‘yung future, pero nagpapasalamat ako na kasama siya sa past ko, at nandito pa rin siya sa present ko,” she said.

Ito raw talaga ang totoo at hindi showbiz na sagot.

Natanong din ang aktres tungkol sa tsikang lilipat na siya sa GMA-7 at aniya ay wala naman daw ganitong ganap.

“Sa ngayon, wala, and meron akong ‘eto, Past, Present Perfect and kakauwi ko lang the other night from CANNES Filmfest, so nilulunok ko pa, dina-digest ko pa lahat ng pangyayari dahil hindi ko ine-expect lahat ng nangyayari sa akin ngayon,” sabi ng aktres.

Basta ang masasabi raw niya ay nagpapasalamat siya both sa dalawang networks.

“Hindi naman natin maalis na magpapasalamat ako, number one, sa ABS dahil dito na ako lumaki but number 2, also sa kabilang istasyon dahil doon ako nagsimula.”

When asked kung nagkaroon ba ng offer ang GMA-7, aniya, basta sa ngayon ay wala at Kapamilya pa rin siya.

Samantala, ginagampanan ng aktres ang papel na si Shantal sa Past, Present, Perfect? isang manunulat na na-in-love sa kanyang professor na ginagampanan naman ni Vin Abrenica.

Kasama rin sa 7-part series si Loisa Andallo bilang young Shantal. Also in the cast are Awra Briguela, Amy Nobleza, Angelie Sanoy, Elijah Canlas, VJ Mendoza, Romnick Sarmenta, Allan Paule at marami pang iba.

The series is now streaming for free on iWant.

vuukle comment

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with