^

Pang Movies

Juday nagamit sa pampapayat

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Juday nagamit sa pampapayat
Judy Ann Santos-Agoncillo

Agad nilinaw ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang lumabas na balitang gumagamit siya ng Purple Mangosteen para siya ay pumayat.

Narito ang pahayag ni Juday sa kanyang @officialjuday Instagram post:

“Once again... i am not endorsing Purple Mangosteen... never saw this product, never tried... and never will.... hindi ko kilala kung sino ang gumagawa nito.  My team tried reaching out to them, pero walang nagri-reply sa kanila.  I DONT HAVE ANY FACEBOOK ACCOUNT ANYMORE... pls.  Beware of people using celebrities to promote their products... hangga’t hindipo mismong ako o kahit na sinong celebrity ang nag-post or nagsabing ginagamit namin ang isang produkto, wag na wag po kayong maniniwala... kaya may mga sarili kaming accounts para mismong sa amin manggaling ang mga balita na gusto naming iparating sa inyong lahat... salamat rin sa mga taong concern at nagtanong kung konektado ako sa produktong ito... if you are following the facebook account under JUDY ANN AGONCILLO or JUDY ANN SANTOS AGONCILLO pls pls pls unfollow.”

Jak proud sa parangal ni Sanya

Iba ring magmahalan itong magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez. Sa katatapos na 35th PMPC Star Awards, masayang-masaya si Jak nang si Sanya ang tanghaling Best New Movie Actress of the Year ng Philippine Movie Press Club sa awards night na ginanap sa Resorts World Manila last Sunday evening, June 2.

Nanalo si Sanya sa first movie niya sa Regal Films, ang Wild and Free with Derrick Monasterio.

Message ni Jak sa nakababatang kapatid: “Sabi ko na nga ba nakatulong talaga sa yo yung mga pagpapaiyak ko sa yo nung mga bata pa tayo eh.  Worth it yung mga nasalo kong lumilipad na tsinelas, hanger, sandok, walis at kung anu-ano pa kay mommy, kaka-arte mo (syempre kaylangan may nai-ambag ako).  Congrats sissy dahil dyan!  Sabay-sabay tayo mga Kapuso!!! Hayyyyy bida-bida!!!”

Totoo namang mahusay na actress si Sanya. Nagsimula nga siya noon sa Master Showman ni Kuya German Moreno.

At ngayon, lagi na namang nagpapaiyak si Sanya sa mahusay niyang pagganap bilang si Mariel sa afternoon prime drama series na Dahil Sa Pag-ibig na tungkol sa OFW with Pancho Magno and Benjamin Alves.  Napapanood ito araw-araw pagkatapos ng Bihag.

Solenn babalik sa Love You…

Iba ang ngiti ni Solenn Heussaff nang tanungin kung totoong babalik ang character niyang si Lianne sa hit GMA primetime romantic-comedy series na Love You Two na tampok sina Gabby Concepcion, Jennylyn Mercado at Shaira Diaz.

May pasabog daw siya sa pagbabalik niya, naiiba raw ang twist ng story na tiyak na ikagugulat ng mga netizen.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with