^

Pang Movies

Lorna palaisipan ang pag-inom ng wine

Vir Gonzales - Pang-masa
Lorna palaisipan ang pag-inom ng wine
Lorna Tolentino

MANILA, Philippines — Matagal nang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano si Lorna Tolentino. Pero malaking katanungan pa rin sa manonood kung sino ba talaga si Lily played by LT. Pangiti-ngiti lamang kasi ito sa mga eksena sabay tungga ng kopita ng wine.

Nakasanayan kasi ng mga tagahanga na mabibigat ang papel na laging ipinakikita ng aktres.

May katanungan din, bakit binugbog na nang tondo si John Arcilla ng mga lasenggo? Nagpagpag lang ng balikat ang actor matapos ang bugbugan.

Marami ang naaawa kay John nang makitang umiinom na lang ng mumurahing alak na dati’y imported pa.

Anak ni Dan, napansin na

Teary-eyed si Shiela Ysrael Fernandez, lovely wife ni congressman Dan Fernandez noong tawagin ang anak si Danzel Fernandez na nanalong New Movie Actor of the Year ng PMPC.

Napuri ang acting ni Danzel sa pelikulang Oltlum. Parang hindi makapaniwala si Shiela na baguhan lang sa showbiz ang anak pero may mga nakakapansin na. Tutok daw sa pag-aaral ang binata nila.

Samantala, maraming nag-uudyok kay Shiela na balikan ang pag-aartista. May karapatan siyang i-display ang beauty at talent. Pinapayagan naman siya ng asawang si Dan.

May mga nagsasabi na kung naghahanap pa ng magaling na aktres ang AP ay nandiyan naman si Shiela.

Personal…

Birthday greetings to Vin Abrenica, Direk Ricky Davao, Roxanne Lapus, Cherry Pie Picache, Ruffa Gutierrez, Jimmy Bondoc at Fellie Garcia of Baliwag Ladies Group of Baliuag Church.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with