^

Pang Movies

Pag-urong ni James sa pelikula, nahulaan na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pag-urong ni James sa pelikula, nahulaan na
James Reid

Final na, wala na si James Reid sa Pedro Penduko. Hindi namin masabi sa ngayon kung ang ibig sabihin niyan ay wala nang mangyayaring remake ng Pedro Penduko, o si James lang ang mapapalitan.

Anticipated na iyan. Iyon naman ang matagal nang inaasahang mangyari matapos na maibalita ni James noon na kailangang i-delay ang shooting ng pelikula dahil nagkaroon siya ng “problema sa balikat”. Nangyari raw iyon sa isa niyang ensayo sa gym. Kaya natigil din ang training niya para sa mga eksenang aksiyon ng pelikula. Noong sabihin niya iyon, marami na ang humula na hindi na nga matutuloy ang pelikulang iyan.

Una, hindi naman siguro ganoon talaga kalaki ang plano nila. Nagawa na nila iyang Pedro Penduko na si Janno Gibbs ang bida nang hindi naman ganoon kalaki ang gastos. Ginawa na rin iyan sa telebisyon na si Matt Evans ang bida, low budget din. Noong nagsisimula sila ng plano para kay James Reid, aba eh nagmukhang high budget monumental movie yata iyon. Una, binago na nila ang kuwento, mula sa isang simpleng Pedro na ang tingin nga ng iba ay sintu-sinto, ginawa nilang balikbayan na natuklasan ang kanyang mga secret power. Aba eh magastos nga iyan.

Ang tanong siyempre, mababawi kaya ang ganoon kala­king gastos sa isang pelikula na ang bida ay si James Reid? Kahit na sabihin pang totoo na may partners silang maglalabas ng pelikula sa abroad, malabo pa rin. At kung iisipin, iyon bang pinakamagaling natin dito sa opticals magagawa iyong klase ng opticals na ginamit halimbawa ng Avengers? Aba kung hindi eh ano nga ba ang chances niyan sa abroad?

Siguro nga, nanghihinayang ang mga fans ni James na umasang mapapanood naman siya sa naiibang pelikula, pero sa ngayon wala siyang choice talaga kung di makipag-love team na naman sa kanyang girlfriend na si Nadine Lustre.

Pagkamatay ni Gary nakakabigla

Nang hindi raw siya sumasagot sa mga tawag at mga text sa kanya, pinuntahan na ng kanyang anak na lalaki, na kinilalang si Bugsy ang condo kung saan nakatira ang komedyanteng si Gary Lising, at doon nga ay natagpuan siyang wala nang buhay. Siya ay 78 na. May mga naniniwalang baka inatake siya sa puso. Nagkaroon na siya ng unang atake sa puso noong 2009, at simula nga noon hindi na pareho ang lahat.

Noong araw, napaka-aktibo niyang si Gary Li­sing. Kahit na noong nawala na ang kanyang regular TV show, madalas na makita siyang guest sa ibang mga programa.

Noon madalas pa namin siyang nakikita doon sa kanyang souvenir shop sa isang mall sa Ortigas. Siya mismo ang naroroon at nakikipag-usap sa kanyang mga customer. Minsan nakikita mo siyang nakikipag-picture taking pa sa fans niyang napapasyal din sa kanyang shop.

Nakakabigla rin, basta yumao na lang nang ganoon si Gary.

Aktor suki ng mga sagala noon

Ipinagmamalaki ng isang dressmaker na malapit sa amin, “iyan ang ginamit niyang gown noong maging sagala siya sa santacruzan dito noon. Mga ilang taon din naman siyang nag-sagala, pero natigil nang makuha na siyang mag-artista,” sabi ng mananahi, na ang tinutukoy ay isang artistang lalaki.

Ha? Hindi kami makapaniwala, dahil iyong male star nagpapa-macho sa lahat halos ng mga pictorials niyang panay ang labas sa social media lang naman.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with