^

Pang Movies

Bagong discover ng Viva, may hawig kay Sarah

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Bagong discover ng Viva, may hawig kay Sarah
Via Ortega

Ang katotong si Mercy Lejarde ang disco­verer at manager ng 13-year-old singer na si Via Ortega. Sa launch ng debut single ni Via na Paghanga, sa Viva Records natanong si Via kung kabilang ba siya sa family ng mga Ortega sa North.

“May relasyon po sa mga Ortega, pero ang real name ko po ay Sophia Fininamos,” sagot ni Via. “Pero ang manager ko po, si Tita Mercy, ang nagbigay ng name na Via, hango po sa name ng restaurant (Via Mare) kung saan kami unang nagkita. Sa mother side ko po naman ang surname na Ortega.”

May nagsabi na ba kay Via na hawig siya kay Sarah Geronimo na isa ring Viva Artist? “Meron na po at favorite ko sina Sarah at si Nadine Lustre.  Sila po ang mga inspirasyon ko.”

Three years old pa lamang si Via ay nakita na ng parents niya na mahilig na siyang kumanta, kaya nag-voice lesson na siya kay Vehnee Sa­turno. Nang mag-sign na siya ng contract sa Viva Entertainment, nadagdagan pa ang kaalaman niya sa pamamagitan ng workshops. Hindi rin naman pinabayaan ni Via ang studies niya at nasa Grade VI na siya sa St. Theresa’s College. “I am eager po to learn more.”

Out na ang single niyang Paghanga sa Spotify, Apple Music and other digital streaming platforms. Inihahanda na rin for Via ang iba pang songs na ire-record niya.

Janine nag-enjoy sa paglilibot mag-isa sa Big Apple

Nakahingi si Janine Gutierrez ng ilang araw na break sa mahihirap na eksena niya sa taping ng Dragon Lady, kaya nagkaroon siya ng chance na mag-tour sa iba’t ibang lugar ng New York. Sabi nga, nagpakaturista siya sa Big Apple. Sayang nga lamang, dahil dapat ay kasama niya ang nali-link sa kanyang si Rayver Cruz, napagkasunduan na nila ito bago pa pumunta rin ng New York si Rayver para sa Kapuso Musikalye sa Brooklyn. Pero hindi na nakapaghintay si Rayver dahil may sisimulan na pala siyang bagong teleserye sa GMA-7 kaya kailangang bumalik na rin siya para sa story conference ng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko na muli nilang pagtatambalan ni Kris Bernal.

Hindi na puwedeng i-cancel ni Janine ang break na iyon dahil a-attend din siya ng kasal at graduation ng friends niyang naka-base sa New York. Kaya nakita sa kanyang posts sa Instagram na nag-ikut-ikot na siya sa ilang lugar sa New York, tulad sa Brooklyn, The High Line, Westlight at sa Metropolitan Museum of Art.

Sa June 4, pa ang balik ni Janine, pero no worries ang mga sumusubaybay ng Dragon Lady dahil nag-tape na siya ng mga intense scenes na palaban at hindi nagpaapi niyang role bilang si Celestina/Scarlet.

“Tingnan po rin ninyo kung kaya kong talikuran bilang si Celestina ang pagmamahal ko kay Michael (Tom Rodriguez),” sabi pa ni Janine. “Si Michael kasi ang tunay niyang mahal at hindi niya malimutan kahit masakit ang ginawa nito sa kanya. Lihim niyang iniiyakan kapag nag-aaway sila at minamaliit ni Celestina si Michael.”

Napapanood ang Dragon Lady Mondays to Saturdays, pagkatapos ng Eat Bulaga.

vuukle comment

VIA ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with