^

Pang Movies

Fans nina Alden at Kathryn naghahanda na sa block screenings

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Fans nina Alden at Kathryn naghahanda na sa block screenings

Ngayon pa lamang na pumasok ang month of June, kahit sabi ay sa July 31, 2019 pa ang showing ng Hello, Love, Goodbye na first team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Star Cinema, iyong mga unang nakapanood ng rough edited movie ni Direk Cathy Garcia-Molina, ay puring-puri na nila.

Balitang pinapanood nga muna ni Direk Cathy ang movie, para makita nila kung may eksena bang dapat i-reshoot o dapat i-edit pa. 

So far, walang sinasabi ang Star Cinema, o kahit si Direk Cathy kung ano talaga ang story ng Hello, Love, Goodbye, wala pa rin silang sinabi kung ano ang individual role na gagampanan nina Alden at Kathryn, maliban sa mga OFWs silang nagtatrabaho sa Hong Kong, kaya almost two months silang nag-shooting doon. Nang una ngang lumabas ang title ng movie, maraming nagtanong kung may mamamatay daw, sino kina Kathryn at Alden. Pero sabi ay wala namang mamamatay.

Kaya ngayon pa lamang marami nang excited sa pagpapalabas ng movie, sana raw ay ma-advance sa original playdate. At abala na rin ang fans nina Kathryn at Alden, ang KathNiel fans at ang AlDub Nation sa pag-organize ng block screening ng movie. Latest count na nalaman namin, more than 60 block screenings na ang naka-schedule. Even ang fans ni Alden, ang Team Abroad, ay nag-i-sponsor na ng block screening sa mga counterparts nila rito sa Pilipinas.

Eat Bulaga nakuha ang number one fun game sa Japan!

Nakaka-excite ang bagong segment ng Eat Bulaga ang Rush 4 Win Philippines Slippery Stairs. Number one fun game pala ito sa Japan at nakuha ng longest running noontime show ang rights para ipalaro rin ito sa six contestants na gustong mag-try ng luck nila para manalo at mag-uwi ng malaking premyo.

Palakasan ng tuhod at braso ang laban dito dahil slippery nga ang mga stairs, kahit nasa itaas na kayo ng hagdanan, konting pagkakamali ay babagsak muli kayo hanggang sa ibaba, nadadamay pa ang madadaanan nila pababa. May chance namang mag-try muling umakyat at baka swertihing ikaw pa rin ang manalo. May nanalo na ng 75thousand pesos sa first day na ipinalabas ang segment last Friday, May 31.

Si Kapuso hunk actor Clint Bondad ang host ng segment kasama sina Jose Manalo at Ryan Agoncillo.

Ang maganda sa segment na ito, may time ang EB hosts na magpahinga habang pinapanood nila ang palaro at makikita mo rin ang excitement nila lalo na kung may napipili silang contestant na pwedeng manalo. Last Saturday, ang contestants ay ang finalists sa katatapos na BakClash contest.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with