^

Pang Movies

Mark hindi nag-absent sa taping kahit nilalagnat

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Mark hindi nag-absent sa taping kahit nilalagnat

Kahit one week nagkaroon ng flu si Mark Herras hindi siya nag-absent sa taping ng kanilang daily afternoon prime drama na Bihag naka-focus kasi ang story ngayon sa kanila ni Max Collins na tinutulungan niyang ma-solve ang kaso nito na siya ang pinagbintangang pumatay sa kanyang mother-in-law, si Emilou, played by Glenda Garcia.

Since magbubukas muli ang original reality artista search ng GMA Network, ang Starstruck batch 7, na si Mark, with Jennylyn Mercado ang unang Ultimate Male & Female winners, 16 years ago in 2003, natanong namin si Mark kung ano ang advice na maibibigay niya sa mga sumali sa audition at napiling contestants?

“Good luck sa kanilang lahat.  Huwag nilang sayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanila ng GMA. Maraming kabataang gustong makapasok sa Starstruck kaya huwag nilang sayangin ang opportunity na sila ang manalo sa katapusan ng contest. Dapat isipin nilang mabuti ang kanilang pinasok, mahirap, pero worth naman kung mananalo ka. Kahit kami, nahirapan kami noon. Ga­ling kami talaga sa ibaba. Pasalamat nga sila may social media na ngayon, kami noon, kanya-kanya kami talagang sikap.”

Ang Bihag ay napapanood daily, pagkatapos ng Dragon Lady, sa GMA-7.

Baguhang Kapuso stars tampok sa digital film sa GMA

Meet the new two Kapuso stars, sina Angel Guardian at Kelvin Miranda na tampok sa second episode ng One Hugot Away, a love story made for digital format.

Sa Monday, June 3 na mapapanood ang Beauty and the Hypebeast tungkol kina Cat at Joe, parehong senior high students pero magkaiba ang social status nila. Mayaman si Cat kaya ang barkada niya nilu-look down ang hypebeast (millennial term for jologs), dahil poor si Joe. Ang totoo close sina Cat at Joe at nahuli nga sila minsan ng mga friends nila habang nagpaplano silang mag-date.

Mula sa Monday, June 3, mapapanood mula sa GMA Public Affairs, ang digital short film sa commercial gaps ng Kapuso Movie Festival, Kara Mia at sa latest K-drama na Are You Human? Monday to Thursday. Ang finale airing nito ay sa June 6, sa commercial gap ng Are You Human?

Sa online, ang first part ng short film ay mapapanood sa June 3, 7pm with the full version to follow on Friday, June 7, at 5pm, sa GMA-7.  Sa direksyon ito ni Zig Dulay.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with