^

Pang Movies

Nanay ni Megan inakalang may asawa na ang anak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nanay ni Megan inakalang may asawa na ang anak
Megan Young

Itinanggi ni Megan Young na secretly married na raw sila ng long-time boyfriend niyang si Mikael Daez dahil nga halos parang mag-asawa na silang tingnan lalo pa nga’t nitong mga nakaraang buwan ay wala silang ginawa kungdi mag-travel sa ibang bansa.

Ayon kay Megan sa panayam niya sa 24 Oras, pati nga raw ang mommy niya ay tinanong siya ng “anak, kasal na ba kayo?”

Natatawa na nga lang daw siya dahil paano raw nangyaring mas alam pa ng ibang tao kaysa sa kanila.

“No, we’re not married and you don’t have to believe the fake news,” natatawang sabi ng aktres.

Ilang buwan ding walang serye ang dalawa matapos ang pinagsamahan nilang The Stepdaughters last year kaya naman nagkaroon sila ng time para mag-travel.

Pero ngayon ay back to work na si Megan dahil may bago na ulit siyang sisimulang soap opera kasama sina Kris Bernal, Kim Domingo at Rayver Cruz.

Rodjun nagsalita sa umano’y sponsored trip ng gobyerno

Sinagot ni Rodjun Cruz ang paratang ng mga netizens na ang

biyahe nila ng fiancée na si Dianne Medina sa Japan ay sponsored ng gobyerno.

Kasalukuyang nasa Japan ang engaged couple base na rin sa mga post nila sa kani-kanilang Instagram account.

In one of Rodjun’s posts ay may mga netizens na nagkomento na ang ginastos daw nilang pera sa biyahe ay “taxpayers’ money” komo nga nasa Japan din si President Rodrigo Duterte kasama ang kanyang mga cabinet members at ilan ding opisyales.

Komento ng isang netizen, “Just wondering kasi nakita ko picture ninyo sa airport, kasama ba kayo sa grupo ng mga taga-gobyerno na nagpunta diyan or natiyempuhan lang na nakita ninyo sila sa airport.”

Sagot naman ng isa pa, “yes included in 200 junkets so lucky and happy spending hard earned money of the hardworking taxpayers huh.”

Dagdag pa ng netizen, sana raw ay hindi na lang mag-post ng mga larawan sina Rodjun at Dianne at sobrang disappointed sila sa dalawa.

Sinagot ni Rodjun ang mga netizens at nilinaw na sila ang nagbayad sa biyahe nila.

“Hi guys may freedom naman ako to post Dahil kami nag bayad ng trip Na toh. Mali Lang jinujudge kami ng mga Tao. Ma­daming bansa na kaming napuntahan ni Dianne bukod sa Japan. Ilang beses na rin kami bumalik Dito. Salamat God bless,” ang sagot ni Rodjun.
So there. At least ay naklaro ito ng aktor.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with