^

Pang Movies

Quezon’s Game kulang sa mga elemento para kumita

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Quezon�s Game kulang sa mga elemento para kumita

Noong isang araw, nalungkot naman kami nang panoorin namin ang isang pelikulang Pilipino, iyong tungkol sa dating Pangulong Manuel Quezon, ang Quezon’s Game. Doon sa mall na malapit sa amin, binigyan lang iyon ng dalawang screening, dahil kahati niya ang isang animated film na luma na pero may tatlong screening pa. Naghintay kami nang mahigit na dalawang oras, at naintindihan naman namin kung bakit ganoon. Siguro mga sampu kaming nanood sa screening na iyon, karamihan pa ng kasabay namin matatanda.

Naisip namin, bakit kaya? Samantalang ito ang panahon na malapit pa naman sa ating Independence Day, na dapat pinanonood natin ang mga makabayang pelikula. Kung sa bagay ang ipinagdiriwang nating Independence Day ay hindi naman iyong ipinaglaban ni Quezon, kung hindi iyong Independence Day lang sa tapat ng bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, dahil noong panahong iyon ang buong Pilipinas, maging ang iba pang parte ng Cavite ay matibay na hawak ng mga Kastila. Kaya lang, gumawa ng dekreto si dating Presidente Diosdado Macapagal, pinalitan ang Independence Day na ipinaglaban nina Quezon doon sa Independence Day ni Aguinaldo.

Nagsimula at natapos ang pelikula na ang tema ay kung papaano natulungan ni Quezon ang isang libo at dalawandaang Hudyo na ikukulong at posibleng napatay ng mga Nazi. Ang tema ay ang kabutihang tao ni Quezon. Walang binanggit na ano man tungkol sa nagawa niya para sa Pilipinas. Hindi sinabing naging bahagi siya ng rebolusyon at may ranggong major. Nakipaglaban siya laban sa mga Kano. Hindi rin sinabing si Quezon ang nagsimula ng “wikang Filipino”, na noong araw ay wala. Parang kulang ang pelikula. Kaya nga eh, nagtatanong sila, bakit iyong Heneral Luna ay kumita?

Kasi nga iyong Heneral Luna, may nakitang aksiyon. May nakitang pakikipaglaban. May giyera at lumabas na talagang bayani si Luna, na ipinatumba lamang ni Aguinaldo.

Kaya nga iniisip namin eh, kung ang natuloy kaya ay ang planong pelikula tungkol kay Quezon na ang bida sana ay si Benjamin Alves, mas kumita kaya? Kasi sa teaser ipinakitang nakasuot ng rayadillo si Quezon. Ibig sabihin magsisimula sa panahong siya ay isang sundalo.

Hindi rin ipinaliwanag sa pelikula kung bakit mukhang magkagalit sina Quezon at Aguinaldo. Hindi kasi alam ng marami na naging aide de camp ni Aguinaldo noon si Quezon. Pero nang magkaroon ng eleksiyon para sa commonwealth, 68 porsiyento ng bayan ang bumoto kay Quezon. Tinalo niya si Aguinaldo na ang main issue ay ang pagkakapaslang kay Andres Bonifacio. Natalo rin sa eleksiyong iyon para sa pagka-pangulo si Gregorio Aglipay na lider din ng Iglesia Filipina Independiente at naging religious vicar din ni Aguinaldo, at si Pascual Racuyal, na nagsimula na noon bilang presidential nuisance candidate na natigil lang matapos ang unang term ni Ferdinand Marcos. Kaya lumubha talaga ang away nina Quezon at Aguinaldo. Para sa isang nag-aral ng kasaysayan, ikaw pa ang magdudugtong ng mga kuwento sa pelikula tungkol kay Quezon.

Maganda ang pagkakagawa. Maganda rin ang opticals. Pero iyon nga, hindi kumersiyal ang pelikulang iyan, na makikita mo naman sa opening credits pa lamang na ginawa lang pala talaga para sa internet, para iyan doon sa iWant eh. Siguro aabangan lang ng mga tao iyan sa iWant, dahil hindi namin inaasahang tatagal iyan sa mga sinehan.

Wala iyong mga elemento para humakot ng tao at kumita ang pelikulang iyan sa mga sinehan. Wala nga rin silang box office stars sa kanilang cast. Eh alam naman ninyo ang mga Pinoy, artista talaga ang pinanonood. At iyang ganyang tema ng pelikula, hindi rin iyan ang hilig na panoorin ng mga Pinoy. Gusto nila iyong makulay na visuals. Gusto nila iyong maaksiyon o matatawa sila.

vuukle comment

QUEZON GAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with