^

Pang Movies

Alden inaral muna ang mga pinasukang negosyo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden inaral muna ang mga pinasukang negosyo

Today, May 30, ang formal re-opening ng third branch ni Pambansang Bae Alden Richards ng Concha’s Garden Cafe sa Silang, Cavite. Ang nasabing restaurant ay unang pag-aari ni Gemma Sembrano, ang business partner ni Alden na binili na niya. Nagkataon namang nagkaroon ng road widening sa lugar kaya naapektuhan ito at kinaila-ngang ipa-renovate ni Alden at ngayon nga lamang ito puwede nang buksang muli.

Last Tuesday, ginawa ang blessing ni Fr. Jeff Quintela, with Alden and Gemma na magkasama sa pag-cut ng ribbon. 

Inamin ni Alden, na ang food business talaga ang naisipan niyang paglagyan ng mga kinikita niya sa showbiz. Biro niya three times a-day kumakain ang mga Pinoy. Pinag-aralan daw muna niya iyon at humanap siya ng ka-partner na maaasahan niya at si Gemma nga raw iyon. Si Gemma ay isang chef at husband niya ang brother ng broadcaster na si Bernadette Sembrano. Kaya kahit busy si Alden sa showbiz commitments niya at kahit siya lumalabas ng bansa, hindi siya nagwo-worry dahil may napagkakatiwalaan siyang naiiwan sa kanyang business.

Sa lahat ng ito labis-labis ang pasasalamat ni Alden sa blessings na dumarating sa kanya at pasa-salamat sa mga sumusuporta sa kanyang business.

Sa Saturday, June 1, naman ang opening ng fourth branch ni Alden, ang Concha’s Garden Cafe sa Tagaytay Highlands na sabi ay exclusive para sa mga lot owner ng Tagaytay Highlands. Ang dalawa pang Concha’s Garden Cafe ni Alden ay sa Tagaytay Cliffhouse at sa Sct. Madrinan, Quezon City. 

Congratulations, Alden!

Pancho ayaw papanoorin si Max ng ginagawa nila ni Sanya

Labis-labis ang pasasalamat ni Max Collins sa dalawang acting nominations na natanggap niya, para sa mga ginawa niyang movies last year, ang Rainbow Sunset at Citizen Jake. Nakausap namin si Max sa set ng Bihag kung saan kasama niya sina Jason Abalos, Sophie Albert at Mark Herras.

“Sobrang saya ng feelings at much appreciated ang mga natanggap kong no-minations na parang feeling ko, everybody deserved the award than me.  Unexpected surprise po iyon sa akin,” nakangiting sabi ni Max.

Biniro naman si Max kung nanonood siya ng teleserye ng husband niyang si Pancho Magno, na kasunod nila, ang Dahil sa Pag-ibig, ayaw daw ni Pancho na manood siya ng serye nila ni Sanya Lopez. Pero good boy daw ang husband niya.

Ang Bihag ay napapanood everyday after ng Dragon Lady.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with