^

Pang Movies

Miriam kina-career ang pagpapasuso

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Miriam kina-career ang pagpapasuso
Miriam Quiambao

Kahapon ay ka-PM (private message) ko si Ms. Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao at kinumusta ko sila ng anak niyang si Elijah.

“Ok naman, Kuya Jun, heto, kakain pa lang,” sabi niya.

Bale three months and one week na si Elijah at kapag nagsisimba raw sila sa CCF Alabang ay naisasama na niya ang kanyang baby.

Nakakalabas na rin daw siya kahit nagbe-breastfeed siya kay Elijah, basta may naiiwan daw siyang milk sa refrigerator.

Nagpa-pump kasi siya at itinatabi ang milk sa refri­gerator.

May sugar cane juice kiosk si Miriam sa Alabang at bukod sa business ay nakakapag-talk din siya.

Madalas na makuha siyang speaker.

“Kahapon nagbigay ako ng talk sa Couples Retreat ng The Feast MOA. Two weeks from now may talk ako sa isang financial corporation.

“Yung two weeks from now, about performance excellence

“May reference pa rin sa spirituality,” sabi ni Miriam.

AiAi at Bayani babawi sa bagong movie

May mga kasosyo si Pops Fernandez sa Feelinnial (Feeling Millennial) movie nina AiAi delas Alas at Bayani Agbayani, pero siya ang tutok na tutok sa promotions ng movie.

Panay ang share ni Pops sa mga kaibigan ng trailer ng Feelinnial (Feeling Millennial) at panay ang pakiusap niya na i-post ‘yon sa Facebook.

Kasosyo rin sa Feelinnial (Feeling Millennial) ang Cignal Cable, kaya may “crawlers” sa iba’t ibang channels about the movie at napapanood ‘yon ng subscribers ng nasabing cable provider.

Sa June 19 na ang playdate ng Feelinnial (Feeling Millennial) kaya ang presscon naman ng pelikula on June 7 ang inaasikaso ni Pops.

Panay ang meeting ni Pops sa mga taga-Cignal Cable para sa bonggang promotions ng movie nina AiAi at Bayani.

Maganda nga pala ang feedback sa trailer ng movie kaya mukhang makakabawi sina AiAi at Bayani sa pelikulang ito.

Sana naman dahil kailangan na talagang magkaroon ng local movies na maghi-hit sa takilya, huh!

Guest nga rin pala si Pops sa Feelinnial (Feeling Millennial) ang ex-husband niyang si Martin Nievera at si Paolo Ballesteros.

Aktor malabo pang magpatali

Nagulat ang isang talent manager nang tanungin ko kung totoong nagbabalak na ang kanyang alagang aktor na pakasalan ang non-showbiz girlfriend nito?

May ibang nagdududa kasi na balak na ni aktor na lumagay sa tahimik.

Sabi ni talent manager, busy pa sa mga pelikula at TV ang kanyang talent, kaya baka mali ang duda ng iba na malapit na itong magpakasal.

Well...

vuukle comment

MIRIAM QUIAMBAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with