^

Pang Movies

Mga Kapamilya kasama sa bagong shows ng Kapuso

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-post na ang GMA Network ng mga bago nilang teleseryes para sa third season, na magsisimula sa July, 2019.

Mas maraming natuwa na bumalik muli si Aiko Melendez sa GMA-7, kasama siya sa Prima Donnas with Wendell Ramos, Katrina Halili, Ms. Chanda Romero, Benjie Paras at Jillian Ward. Si Ms. Gina Alajar ang magdidirek.

Isa pang teleserye ay pangungunahan ni Eddie Garcia, at tiyak na action serye ito dahil ididirek ito ng kilalang action director na si Toto Natividad, at mga artista niya sina Gabbi Garcia, Thea Tolentino at Gil Cuerva. Wala pang ibinigay na title ng serye. 

Natuwa naman ang mga netizen na balik-GMA na raw si Eddie Garcia.

Pauleen pangatlong beses nang nagkaka-dengue, Maine nagtrabaho kahit may lagnat

Ilang araw ding may fever si Pauleen Luna kaya hindi siya nakapasok sa Eat Bulaga. Duda ni Pauleen ay may dengue siya na ikinatakot niya dahil twice na pala siyang nagka-dengue at sabi mas mahirap daw ang pagkakaroon ng 3rd time na dengue. Nagpasalamat si Pauleeen sa Aide App at nagpa-blood extract siya para sa platelet count sa kanilang bahay. Probably ay okey na si Pauleen pero wala pa siya sa EB kahapon, si Bossing Vic Sotto ang nasa EB na after two days na absent.

Absent din si Maine Mendoza sa EB last Tuesday and Wednesday dahil nagka-fever din siya, pero a true professional, kahit medyo may fever pa, nag-attend na rin siya kahapon sa EB sa segment na Boom! Kaya masayang-masaya ang APT Studio audience dahil after two months, muli nilang nakitang magkasama sa EB sina Alden at Maine.

Jason hangang-hanga kina Max at Sophie

Puring-puri ng lead actor na si Jason Abalos ng GMA Afternoon Prime drama series na Bihag ang co-stars niya na sina Max Collins, Jade Lopez, Nicole Donesa at Sophie Albert sa kanilang makapigil-hiningang fight scene kung saan nagsabuyan sila ng pintura sa katawan. Napanood ito last Wednesday afternoon, May 22.

May pa-appreciation post nga si Kapuso actor Jason: “Hindi lamang ninyo mamahalin ang bawat character na kanilang ginagampanan pati na rin sila dahil sa pagmamahal nila sa kanilang craft.”

Napahanga talaga si Jason sa kanilang professionalism at talagang bigay-todo silang apat sa eksenang ito, kahit mapuno ng pintura ang kanilang katawan at damit.

Nakakatuwa naman ang netizens dahil nagustuhan nila ang eksenang iyon at ang apat naman, wala silang pakialam kung nagkasakitan sila at nagkabuhusan ng pintura, all ay part daw ng eksena at kailangan nilang gawin.

“Pagkatapos po namin ng eksena, nag-pose pa kami, tawanan at nagtanungan kung sino ang na-saktan at nag-sorry sa isa’t isa,” sabi ni Max. 

Napapanood ang Bihag after ng Dragon Lady.

vuukle comment

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with