^

Pang Movies

Mga talent search parang nagpapaaral ng mga bata!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga talent search parang nagpapaaral ng mga bata!

Ang sosyal ng teaser para sa pagbabalik sa telebisyon ng Starstruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Kahit nakatalikod ang mga host sa teaser na ipinakikita, kilalang-kilala ng televiewers ang hugis ng katawan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Hindi ang Season 7 ng Starstruck ang huling pagsasama nina Dingdong at Jennylyn dahil sila rin ang magkapareha sa Philippine adaptation ng Koreanovela na Descendants of the Sun. Makakasama rin nila si Rocco Nacino.

Simula na naman nga ng paghahanap ng mga bagong talents ng GMA-7 sa pamamagitan ng Starstruck at dito makikita na talagang marami ang mga kabataan na nangangarap na makapasok sa showbiz.

Na-inspire kasi sila ng achievements sa entertainment industry ng mga nauna na graduates ng Starstruck.

Nasubaybayan natin ang growth nina Jennylyn, Mark Herras at ng ibang mga produkto ng Starstruck na gaya ni Megan Young, ang first Filipina Miss World noong 2013.

Nasaksihan natin kung paano sila nag-grow as a person at ang magagandang pangyayari sa kanilang buhay dahil sa pagsali nila sa Starstruck.

Maikukumpara sa pag-aalaga at pagpapalaki ng mga bata ang mga talent search na gaya ng Starstruck.

Parang nagpapaaral ka ng elementary students hanggang makatuntong sila ng college, mula teeners at ngayon, mga magulang na rin ang iba tulad nina Mark, Jennylyn, Katrina Halili, Nadine Samonte, LJ Reyes, Aljur Abrenica, Mike Tan, Iwa Moto, Paulo Avelino at marami pang iba.

Perfect talaga ang battle cry, slogan o whatever ng Starstruck na  Dream, Believe, Survive!

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with