^

Pang Movies

Surprise ni Vicki kay Hayden binuko nang hindi umattend sa party

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Surprise ni Vicki kay Hayden binuko nang hindi umattend sa party

Noong May 20 ang 39th birthday ni Hayden Kho, Jr. at isang surprise birthday party ang inihanda para sa kanya ng misis niya na si Dra. Vicki Belo sa isang events place sa Makati City.

Dahil secret at surprise, maingat na maingat si Vicki sa pag-iimbita sa guests para hindi ito malaman ni Hayden pero nasira ang lahat ng plano niya.

Isang spoiler na nalimutan yata na surprise ang birthday party ang nagpadala kay Hayden ng text message para sabihin na hindi siya makakarating.

Naloka si Vicki at ang mga kakuntsaba niya sa paghahanda dahil sa isang text message, na-pre-empt ang mga plano nila.

Ayaw sabihin ni Hayden ang name ng texter pero sure ako na sooner or later, malalaman din ni Vicki ang identity ng mystery spoiler.

Kahit nagkaroon ng idea tungkol sa surprise party, maligaya si Hayden at sobra ang pasasalamat nito sa effort na ibinuhos ng kanyang misis para maging happy siya.

Hindi alam ng mga tao na hobby ni Hayden ang photography at ang anak nila ni Vicki na si Scarlet Snow ang kanyang favorite subject.

Ang ginawa ni Vicki, ipina-frame niya ang lahat ng pictures na kuha ni Hayden at inilagay ito sa venue ng surprise birthday party kaya nagkaroon ng instant photo exhibit.

Hindi natapos sa birthday party ni Hayden ang sorpresa dahil iikot sa branches ng isang sikat na mall ang exhibit ng mga litrato ni Scarlet.

Bong tiyak na babantayan

Alam mo Salve, very mushy pero tumulo ang luha ko sa proclamation ni Bong Revilla na iprinoklama na uling senador kahapon. Mula nang sumali sa pulitika si Bong hindi ko pinapansin iyong mga pinasok niyang posisyon mula Vice Governor, Governor, Senador. Dumaan at natapos na wala lang, hindi ko binigyang pansin. Pero ngayon iba ang sitwasyon. Nakulong si Bong for more than four years, nakalabas, nag-decide tumakbo at dinurog ng husto. It was so personal this time. Iyon bang hindi mo alam kung paano mo siya ibabangon, hindi mo alam kung matatanggap pa siya lalo na pag nababasa mo ang mga banat sa kanya.

Sa lahat siguro nang nanalo, sobra siyang babantayan at bawat kilos niya ay ti­tingnan. Kahit ano ang gawin ni Bong it’s either you like him or not. Iyon gusto siya, stick sa kanya at iyong kabila na ayaw sa kanya. Iyon nasa gitna na deci­ding factor na sana makita din ang sincerity at kapasidad niya, at sana maniwala sa desisyon ng Sandigan na wala siyang kasalanan, na sana makita ang buti ng puso niya.

Hindi ako bulag, alam ko na meron mga mumunting pagkakamali si Bong pero this time please give him your trust.

vuukle comment

HAYDEN KHO

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with