^

Pang Movies

Jennylyn kumpirmado sa Descendants ni Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jennylyn kumpirmado sa Descendants ni Dingdong
Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes

Sa Kapuso Network, mukhang si Jennylyn Mercado ang pinaka-busy ngayon. Bago pa nagsimula ang romantic-comedy series nila ni Gabby Concepcion na Love You Two, malakas na ang balitang si Jennylyn din ang gaganap sa Pinoy a­daptation ng Korean Drama na Descendants of the Sun (DOTS) at makakatambal siya ni Dingdong Dantes. Pero nag-deny si Jennylyn, magsisimula pa lamang sila ni Gabby? Pero iyon nga, lumabas na rin na totoong sila ni Dingdong ang lead stars ng DOTS.

Lumabas na rin ang teaser plug ng reality artista search ng GMA-7 Starstruck 7.  Nakilala nang sina Dingdong at Jennylyn din ang hosts at panel of judges sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at si Jose Manalo.

So, kung si Jennylyn ang busiest actress sa GMA, busiest actor naman si Dingdong, dahil bukod sa dalawang shows, may new episodes na ulit siya ng infotainment show na Amazing Earth at siya rin muna ang pumalit sa wife niyang si Marian Rivera as host ng OFW docudrama na Tadhana habang naka-maternity leave pa si Marian.

Bianca sanay na sa Sahaya

Flattered pa si Bianca Umali na tawaging Sahaya kapag nakikita siya at tinatawag ng fans, sa halip na ang real name niyang Bianca Umali. Hindi ba siya na-o-offend kapag iyon ang tawag sa kanya kaysa tunay niyang name?

“Hindi po, masaya pa po ako, ibig sabihin, pinapanood nila ako, kami, kaya alam nila ang mga pangalan ng characters namin,” sagot ni Bianca. “Inspiration ko po iyon dahil pinaghihirapan namin ang pagganap sa aming mga role.”

Hindi nga biro kasi ang taping ng mga eksena nila, lalo na noong dapat ay nasa Tawi-Tawi  pa sila bilang mga Badjaw, although may ginawang Tawi-Tawi Vi­llage sa Calatagan, Batangas sila nagti-taping.  Kita mo ang tinitiis nilang init sa lo­cation, lalo na kung nasa labas sila, na matindi ang sikat ng araw.

Ngayon kasi, ang mga lead star ay nasa Manila na ang location pero marami pa rin ang sa Calatagan, Batangas nagti-taping. Marami nang excited sa pagbabago na ng character ni Sahaya,

“Pero nami-miss ko pa rin po ang napaka-simple na si Sahaya. Si Miguel (Tan­ppfelix) po ay ganoon pa rin bilang si Ahmad, pero marami nang pagbabagong magaganap.”

Napapanood ang Sahaya pagkatapos ng Kara Mia sa GMA-7.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with