^

Pang Movies

Daniel nabaitan din kay Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Daniel nabaitan din kay Alden
Kathryn Bernardo at Alden Richards

Nag-last shooting day na ang Hello, Love, Goodbye, ang first movie team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Star Cinema last Saturday, May 18, 11:30am at nagtapos sila the following day, Sunday, May 19 na ng umaga.

Sa pagsu-shooting ni Alden sa labas ng GMA Network, naka-gain siya ng mga bagong kaibigan, bukod kay Kathryn, sa boyfriend nitong si Daniel Padilla at mga Kapamilya stars na kasama sa mo­vie, at sa director nilang si Cathy Garcia-Molina.

Si Kathryn, inaming pinag-isipan muna niya ang offer na magtambal sila ni Alden for the first time. Ito ang pahayag niya:“They gave me time to think about it. I considered a lot of things hanggang sa I said yes. Kasi si Alden rin yung perfect guy for the role, and ayaw kong sa­yangin yung chance na pinayagan ako. Hindi laging mangyayari ito, so why not. He’s a good actor, he’s a good person. Tutulungan niya ako, tutulungan ko s’ya. Magtutulungan kami.”

Bago ang last shooting day niya, nag-post naman si Jeffrey Tam ng:

“Nakakalungkot kase last day na namin ng shoot. Masaya kase nakabuo kami ng tunay na pagkakaibigan @jorossgamboa @aldenrichards02 #HelloLoveGoodbye

During their shooting sa Hong Kong nabuo nga ang friendship nila at lagi silang magkakasamang kumain ng street foods doon, mag-shopping sa Mong Kok, kapag may break sila, at magkakasama sila sa iisang room na tinutuluyan nila.

Noong last taping day, sinamahan muna ni Daniel Padilla si Kath sa event ng isang endorsement nito at pagbalik, nag-stay na siya sa set. At ito naman ang sinabi ni Daniel tungkol kay Alden:

“In general, he’s a very professional guy.  Hindi nahirapan si Kathryn katrabaho at napakabuti yung tao na yun.

“Dahil bago pa ako mag-artista nakatrabaho na siya ng ermat ko, at wala nang ibang sinabi ang nanay ko kundi kabutihan. Very comfortable ako.

“I’d like to thank the guy for being a good guy.”

Daniel’s mom Karla Estrada worked with Alden in 2011 sa GMA-7.

At bilang pasasalamat naman ni Alden sa staff and crew ng Hello, Love, Goodbye, may pa-swimming siya after nilang mag-pack-up that Sunday morning. May thanksgi­ving prayer sila bago ang lunch, at doon nga nakita na si Alden ay nakapagpa-trim na ng kanyang balbas at hair, at talagang nagpakuha pa siya ng picture na kumukuha ng maraming kanin (rice). Balik na nga siya sa regular meals niya.

Post-production works na pagkatapos ni Direk Cathy, at hihintayin na lamang ang definite playdate ng first movie nila for Star Cinema.

The Clash nagsimula na uli

Nagsimula na pala ang panibagong search para sa next singing sensation, ang The Clash 2 para maghanap ng bagong singing superstar. Mas pinalawak nila ngayon ang paghahanap ng mga new hopefuls.

Nakapagpa-audition na sila sa Zamboanga, Iloilo, Cebu at Pangasinan.

Ang susunod na auditions ay gaganapin sa mga susunod na dates and venues: Veranza Mall, Ge­neral Santos City on May 25; NCCC Mall Buhangin, Davao City on May 26; Robinsons Place, Iligan on May 31; at sa Robinson’s Place, Bacolod City on June 1.  Magkakaroon din ng auditions sa Metro Manila.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with