^

Pang Movies

Jeric tumatak ang pagiging sex slaves

Joe Barrameda - Pang-masa
Jeric tumatak ang pagiging sex slaves
Jeric Gonzales

MANILA, Philippines — Nag-umpisa nang magtraining si Jeric Gonzales sa boxing at karate para sa upcoming teleserye kung saan siya ang lead actor. Magagandang feedback ang natanggap ni Jeric sa role niya sa Magpakailanman kung saan isang sex slave sa Middle East ang kanyang pinortray. Ibig sabihin ay nakitaan ng GMA bosses na handa na si Jeric na i-tackle ang mga mature role at kaya sa kanya ibinigay ang isang mahalagang role sa upcoming teleserye na kailangan ng isang matikas at bruskong aktor na ididirek ng isang batikang action director.

Tama yata ako na 2019 ay taon ni Jeric na unti-unti nang nakakamit ang mga pangarap na inaasam-asam niya.

Sanya hindi pa binubura ang memories ng ex

Caught off guard si Sanya Lopez nang tanungin sa naging relasyon nila ng Kapamilya actor na si Gab Lagman sa mediacon ng Dahil Sa Pag-ibig na magsisimula na sa Lunes sa GMA Afternoon Prime. Ilan lang ang nakakaalam ng naging relasyon nila for six months. Okay daw naman sila at very sweet sa kanya si Gab noong sila pa. Natapos ang relasyon nila dahil mahirap daw ang sitwasyon nila lalo na magkaibang network ang kanilang pinaglilingkuran.

Wala naman samaan ng loob nang naghiwalay sila at sa tingin ni Sanya ay hindi pa sila handa sa ganoong relasyon. Hindi pa naman daw nawawala sa phone niya ang happy moments nila ni Gab although hindi na sila gaanong nag-uusap. Masaya si Sanya sa katayuan niya ngayon bilang loveless or single. Mas focus siya sa work at lead actress nga siya sa Dahil Sa Pag-ibig.

Hindi naman siya nagdadamot sa mga gustong magparamdam sa kanya pero mas focus siya sa trabaho niya.

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with