^

Pang Movies

Mahusay maglihim Paulo two years na ang relasyon sa model na Australyana!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mahusay maglihim Paulo two years na ang relasyon sa model na Australyana!

Two years na pala ang relasyon ni Paulo Avelino at ng Filipina-Australian model na si Jodie Tarasek.

Binati ni Jodie si Paulo sa kaarawan nito at anniversary na rin nila kung saan ay tinawag niya ang boyfriend na “my human.” Bukod dito, nakakakatuwa rin ang pagbabahagi niya ng mga sweetness ng aktor.

“Thank you for being my human.  For teaching me that people cannot ruin beautiful things they don’t know about.

“That it’s the little things like letting me tie your hair in pigtails or saving me the last bite of anything without me even asking.

“You’re the epitome of simplicity and humility and I can’t wait to do more of life with you. Happy Birthday my love. And Happy 2 years,” ang post ni Jodie na talaga namang ang daming pumuri at pati si Jake Cuenca ay pinusuan din.

Simple lang ang reply ni Paulo sa pagbati ng girlfriend. Nag-post lang siya ng dalawang heavy heart exclamation emoji na ang ibig sabihin ay like na like niya ang post.

Matatandaang taong 2017 pa nga nang kinumpirma ni Paulo that he was dating Jodie pero since then ay wala na tayong narinig sa kanya tungkol sa kanyang love life bilang talaga namang malihim siya when it comes to his personal life.

Nakakatuwa na napapanatili nilang matatag ang kanilang relasyon at mukhang seryoso na rin sila.

Toni hindi pa alam kung magkakaroon ng romansa kay Vhong

Sa presscon ng Home Sweetie Home: Extra Sweet ay sinagot ni Toni Gonzaga kung bakit nawala sa sitcom si Piolo Pascual.

“Kasi, nag-aaral si PJ (tawag kay Piolo) ngayon. He left for Italy, mag-aaral siya. So, talagang naka-book na ‘yun sa schedule niya.

“Nag-aaral siya ngayon and I guess, isa ‘yun sa priorities niya na hindi namin puwedeng hawakan. Matagal nang nakaplano ‘yun na talagang mag-aaral si PJ.

“We’re just happy and thankful na nagkaroon kami ng time na makasama siya du’n sa last chapter ng Home Sweetie,” pahayag ni Toni.

Alam naman ng lahat na si John Lloyd Cruz ang original leading man ni Toni sa nasabing sitcom. Ginagampanan nila ang papel na mag-asawa rito pero bigla na nga lang umalis ang aktor sa showbiz at hanggang ngayon ay naka-indefinite leave pa rin.

At this point ay welcome pa ba si Lloydie na bumalik sa show?

“Actually, ang tagal nang na-discuss niyan. Magtu-two years na, since he left our program and I’m not sure sa magi­ging desisyon ng of course, ng management, ng pamilya ng buong Home Sweetie Home, but siyempre, si Julie, ‘yung karakter ko, maghihintay lang siya kung anon’g puwedeng mangyari.

“But I don’t think na I can decide or I have anything to... ewan ko, hindi ko rin alam,” sey ni Toni na natawa, “hindi ko kasi alam kasi hindi naman natin alam kung ano ang pwedeng mangyari bukas. We just take it one day at a time kung anon’g puwedeng mangyari.”

Nang umalis si Lloydie ay si Piolo Pascual ang kinuha ng show na bagong lead actor. Pero ngayon ay umalis na rin si Papa P. at enter naman si Vhong Navarro kasama ang iba pang bagong cast na sina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Luis Manzano at ang Pinoy Big Brother: Otso housemates na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong. Join na rin sa cast si Edgar Mortiz who also directs the show.

Sa ngayon ay hindi pa rin daw alam ni Toni kung magkakaroon sila ng romansa ni Vhong sa kuwento dahil wala pa naman daw sinasabi sa kanila pero open naman daw sila sa possibility at okay naman sa kanila if ever.

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with