^

Pang Movies

Toni aminadong na-challenge sa paglalayas ni John Lloyd

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Toni aminadong na-challenge sa paglalayas ni John Lloyd

Hindi inakala ni Toni Gonzaga na magtatagal nang ganito ang Home Sweetie Home: Extra Sweet dahil noon pa raw ay naiprepara na niya talaga ang sarili na maaaring mawala na ang sitcom.

“From the start na nagkaroon kami ng big challenge, nun’g nagkaroon ng malaking challenge ang programa, naihanda ko na ‘yung sarili ko because hindi naman tayo bago sa industriya, alam natin na shows come and go talaga,” simula ni Toni sa presscon ng Home Sweetie Home na ginanap last Thursday.

Hindi man tuwirang tinukoy, obvious na ang pagkawala ni John Lloyd Cruz sa sitcom ang ibig sabihin ni Toni na malaking challenge.

“So, I was already prepared at that time na mag-e-end ‘yung chapter ng Home Sweetie and bilang isang artista, siyempre, kung ano lang ‘yung i-assign sa ‘yong trabaho, gagawin mo and I’m just so surprised and of course, very thankful that the management decided to push through with the program and give it a new look, give it a new flavor, give it a new face, a new family.

“So, siyempre, nagulat ka kasi you’re prepared to let go of something that has been a part of your life for 4 years, 5 years, so, I’m just really grateful because may chance, may second chance na magpatuloy ang programa. With this new family na, siyempre, mas exciting,” pahayag pa ni Toni.

Sa pag-alis ni Lloydie sa show ay si Piolo Pascual ang pumalit. At ngayong umalis naman ang huli dahil mag-aaral ito sa US, nag-reformat na naman ang sitcom at nagdagdag na ng bagong cast.

Ngayon ay bagong dagdag sina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Rio Locsin at ang PBB Otso housemates na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong.

Last week pa nagsimulang umere ang bagong Home Sweetie Home and when asked kung ano ang pakiramdam niya sa transition, ani Toni ay mixed emotions daw.

“May part na malungkot ka, kasi I’m sure lahat kami na nandito sa programa, alam namin ang pakiramdam na maging attached ka sa isang grupo ng pamilya at mga katrabahong matagal mo nang nakasanayan. There’s a big part of you na hindi mawawala ‘yun, ‘yung may lungkot.

“But ganu’n kasi ang buhay, eh. Ganu’n ang trabaho namin sa industriya, na kahit malungkot, magpapatuloy ka, kasi alam mong it’s not for you, it’s for the audience.

“So, of course, with a heavy heart, we close that chapter, but with a hopeful one, with a hopeful heart again, I’m very happy and looking forward and I’m very grateful for this new family na nabuo namin ngayon,” she said.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with