^

Pang Movies

Marian inilagay sa banyera ang anak!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian inilagay sa banyera ang anak!
Ziggy

Inilagay talaga ni Marian Rivera ang anak na si Ziggy sa tila isang banyera na may balot na tela at saka kinunan ng litrato at pinost sa kanyang Instagram!

Humamig ng mahigit 200K likes as of this writing at halos nagkakaisa ang komento na “cute” ang ginawa niya habang ‘yung iba eh pinusuan naman.

Ilan sa gustung-gusto ang picture ng anak ay sina Manilyn Reynes, Boobay, Mariz Ricketts, Agot Isidro, Bambbi Fuentes at marami pang iba.

“My son #JoseSixto #Six #Ziggy @storkstudio,” simpleng caption ni Marian.

Walang dudang baliw na baliw ngayon si Yan sa anak na lalaki, huh!

Barbie ayaw nang bigkasin si JM

Ingat na ingat si Barbie Imperial na mabanggit ang pangalan ni JM de Guzman sa presscon ng Regal movie na Finding You kung saan kasama niya sina Jerome Ponce at Jane Oneiza.

Pero sa nangyari sa kanila ni JM, mas naalala niya ‘yung masasakit na nangyari kesa magaganda.

“Kahit naman sa normal na tao, mas naalala ‘yung masama, masasakit na nangyari. For me talaga, mas naaalala ko ‘yung masasakit na nangyari!” pahayag ni Barbie.

Sa nakaraang interview ni Barbie kay Boy Abunda, nagbitiw siya ng salitang matatagalan bago sila maging magkaibigan ni JM.

vuukle comment

ZIGGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with