^

Pang Movies

Miguel hindi pa nakakatikim ng GF!

Joe Barrameda - Pang-masa
Miguel hindi pa nakakatikim ng GF!
Miguel Tanfelix

MANILA, Philippines — Bago mapasabak sa Sahaya si Miguel Tanfelix nasa third year taking up entrepreneurship at La Salle Dasmariñas pero wala siyang choice kundi tumigil this semester dahil sa kanyang hectic workload. He is in the primetime soap, Sahaya, on GMA Telebabad, and he is in the cast of two new movies, GMA Pictures’ dramedy, Family History, and APT Entertainment’s horror flick, Banal. “Wala po akong time sa studies dahil sa sobrang pagka-busy, kaya nag-leave muna ako,” he says. “Ang hirap ding pagsabayin, e.”

Ang longtime loveteam na si Bianca Umali ang katambal pa rin niya sa Sahaya. Marami na silang pinagsamahan na mga project sa GMA at kahit na obvious na may relasyon sila noon ay never pang umamin ang dalawa.

“Naging very close talaga kami sa isa’t isa, kasi halos sabay kaming lumaki,” he says. “So hindi na mababago yung magkasundong-magkasundo talaga kami. We confide to each other. Pag magkasama kami, tawanan kami nang tawanan kahit halos 5 AM na pala. Basta masaya kami ngayon. At 20, wala pa po akong nagiging girlfriend.”

Pero na-link before siya kay Barbie Forteza and Kyline Alcantara? “Hindi po totoo yun. Alam n’yo naman sa showbiz, uso ang link-link na ganyan. I feel that I still have to know and discover a lot more about myself before I get into any serious relationship. Like right now, natuklasan ko sa set ng Sahaya na I enjoy sketching pala.”

Sa pelikulang Family History, anak siya ni Dawn Zulueta at Michael V. “Malex ang name ng character niya na pinagsama ang names ng parents ko, May and Alex. Vocalist-guitarist po ako ng isang band dito. May problema ang parents ko, so malayo ang loob ko sa kanila at mas close ako pa sa’king friends, like Bianca, na anak naman po nina John Estrada at Ina Feleo.”

Puring-puri ni Miguel si Bitoy bilang co-actor at director. “Bilib ako kay Kuya Bitoy kasi very creative talaga siya. He wrote the script, director pa siya at artista pa siya. Nakakatuwa siyang panoorin sa set habang dinidirek niya kami pati ang sarili niya. Si Ms. Dawn naman, na-starstruck ako sa ganda niya. Tapos napakagaling pang umarte. I feel so blessed being given the chance to work with both of them.”

Happy rin siya sa role niya as Ahmad sa Sahaya. “I learned a lot from doing the show, about the culture of our ethnic tribes. Happy rin akong nakatrabaho rito si Tito Pen Medina who plays the leader of the Badjaos. He’s very generous at marami akong natutuhan sa kanya not only about acting but about life and art. Happy rin kami kasi laging mataas ang rating ng show.”

vuukle comment

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with