^

Pang Movies

Halalan 2019 mas tahimik!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa

May dapat ipagbunyi ang local showbiz dahil mas maraming kumandidatong artista sa iba’t ibang posisyon ngayong Halalan 2019 ang nauna nang bumabandera as of 5am kahapon sa isang unofficial at partial results. Baka paglabas nito ay pumasok na ang hinihintay pang 8% na boto mula sa Mindanao  

Nasimyento na ang pagwawagi ni Isko Moreno Domagoso bilang Mayor ng Maynila. Pinalitan niya si Joseph “Erap” Estrada. Baka rin napangatawanan na ni Ramon “Bong” Revilla ang inaalagaan niyang posisyon sa mga nangungunang senador. Nasa ika-12th position siya na pinoproblema ng mga supporter niya dahil maliit lamang ang kalamangan niya kina JV Ejercito at Bam Aquino na nasa pang 13th and 14th positions. Si Lito Lapid ay tila safe na sa kanyang  position. Hindi man artista ang bagong halal na mayor ng Pasig na si Vico Sotto pero mula siya sa mga artistang sina Vic Sotto at Coney Reyes. Konsehal pa rin si Jhong Hilario ng Makati at Kongresista pa rin ng Maynila si Yul Servo. Tagumpay din si Imelda Papin sa kanyang pagtakbo bilang Vice Governor ng Camarines Sur. Gobernador na rin ng Bulacan si Daniel Fernando at unopposed si Jolo Revilla bilang Vice Governor ng Cavite habang mayor pa rin ng Bacoor si Lani Mercado. Nanalo rin ang mag-asawang Richard Gomez (Mayor) at Lucy Torres Gomez (Congressman) sa Ormoc City at Cong. Vilma Santos Recto ng 6th District ng Batangas.

Generally, hindi ganun karami ang violence ng elections. May mga lugar na pinasabog, may mga brownouts. Marami ang nag-rumble. Maraming pumalyang VCM, hindi pa rin ayos ang voters’ list, marami ang nahirapang hanapin ang kanilang mga presinto. Ang daming nagbenta at bumili ng boto. Pero, sabi ni Pres. Duterte bahagi na ito ng halalan.

Political dynasties inaayawan na

Ayaw na nga ba ng mga mamamayan ang magkakamag-anak sa pulitika? Susunod na bang maapektuhan nito ang political dynasties? Sinira ng pamilya Zamora ang pamamayani ng mga Estrada/Ejercito sa San Juan. Itinigil na ng mga taga- San Juan ang 50 taong pamamayani nila sa nasabing lugar. Natalo sa Maynila si Erap, sa Senado si Jinggoy at si Janella sa San Juan mismo. Baka naman makabawi si JV  sa laban niya sa pagka-senador. Pero, totoo ba na ang sinuportahan nilang mag-ina (ex mayor Guia Gomez) ay ang mga Zamora?

Pacman lalaban ulit

Hindi pa pala retired si Manny Pacquiao sa boksing. Tumanggap ito ng laban vs. Keith Thurman sa July 20. Sana hindi na niya ito ginawa. Magtuon na lamang siya ng pansin sa kanyang pagiging senador. Mag-retire na siya habang nasa itaas pa siya.

Ylona at Jay-R nagsanib-puwersa

Si Ylona Garcia ay nakipag-team up kay Jay-R para sa kanyang huling single. Tama lang ang ginawang ito ni Ylona dahil abala ang ka-loveteam niya na si Bailey May sa sinalihan nitong international song and dance group na Now United formed by Simon Fuller of American Idol and who also managed the career of the Spice Girls. Kamado ni Jay-R ang panlasa ng mga milenyal. Siguradong isang magandang single ang malilikha nila ni Ylona.

vuukle comment

HALALAN 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with