^

Pang Movies

Rayver nali-link kay Julie Anne kahit may Janine na!

Joe Barrameda - Pang-masa
Rayver nali-link kay Julie Anne kahit may Janine na!
Julie Anne San Jose

MANILA, Philippines — Naunang bumiyahe papuntang New York City sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz para sa isang musical show doon kasama ang ilang Kapuso Stars. Sa pagdating nila doon ay agad silang naglibot sa iba’t ibang lugar ng siyudad na madalas puntahan ng mga turista.

Sa pictures na pinost nila sa social media ay mukhang super close na sila kahit baguhan sa GMA-7 si Rayver. Parang gamay na nila ang isa’t isa. Hindi kaya may mabuong magandang relasyon ang dalawa lalo ngayon na loveless si Julie Anne at kahit may karelasyon si Rayver ay mahulog ang loob kay Julie Anne. Talbog.

AlDub nabuwag ng fans nina Alden at Kathryn?!

Sumunod naman bumiyahe noong Thursday si Alden Richards kasama sina Kyline Alcantara, Betong Sumaya at Golden Cañedo para din sa nasabing event. Si Alden ay matagal nang hindi napapanood sa Eat Bulaga dahil ilang araw din ito namalagi sa Hong Kong para sa pelikulang ginagawa niya with Kathryn Bernardo for Star Cinema at kaya naka-leave siya sa longest running noontime show. Malamang sa pagbalik na niya from New York siya makakabalik sa show.

Maganda ang chemistry nila ni Kathryn at kaya agad silang kinuha na endorser ng bagong commercial ng isang ice cream brand. At dahil very open ang dating ka-loveteam ay may kumpetisyon na rin ang kani-kanilang fans. Patalbugan ang mga fans para sa kani-kanilang mga idolo at mukhang buwag na ang AlDub. Very thankful naman si Alden sa supporters niya na hindi siya iniiwanan at laging ipinadadama sa kanya na nandiyan lang sila na sumusuporta sa kanilang idolo.

Natutuwa kami for Alden sa outcome ng bagong bukas na McDo sa Biñan Laguna at kahit matagal bago mabawi ang puhunan niya ay mukhang madadali ito sa lakas ng bentahan at dinudumog ang branch na yun kahit sa hindi kalayuan ay may isa pang branch ng nasabing fast food chain. Ang maganda kay Alden ay binibigyan niya ng panahon ang bagong branch na binibisita niya at tumutulong sa pag-iistima sa customers gaya din ng ginagawa niya sa Conchas.

Hindi lamang sa customers siya mabait kung hindi pati na rin sa mga empleyado niya na malamang hindi mararamdaman ang mabilis na turnover ng mga empleyado sa bait at compassion ng may-ari.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with