^

Pang Movies

Maraming eskwelahan sira-sira ang mga kagamitan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

You will be proud of me practicing and doing my right of suffrage. Bongga dahil 4th floor ng school ang presinto na na-assign sa akin kahapon sa North Fairview, Quezon City.

My God, 3rd floor pa lang hingal na hingal na ako at dahil sa init parang nahihilo ako. Hindi pumasok sa isip ko na mag-back out o kaya bumaba na lang at bumoto sa presinto para sa mga senior citizen pero tiniis ko talaga dahil ayoko na masa­yang ang isang boto ko.

Nakita ko sa 4th floor ng public school ang maraming silya na sira, maliit ang room na puno ng mga paraphernalia pero mabuti na lang, maluwang ang solar kaya mahangin.

Sana maayos ang mga silya dahil kawawa ang mga estudyante lalo na’t malapit na naman ang pasukan. Sana treated din for bugs o surot ang mga silya.

Naisip ko na sa ganoong public school kami nag-aral nina Joey de Leon at Nova Villa, those happy days of our youth.

Mabigyan sana ng  budget ang public school para makabili ng mga silya na ginagamit naman for election.

At dapat ayusin na mabuti para  makita ng lahat na maayos din ang mga public school sa ating bansa.

Hay naku, talagang tiniis ko na umakyat sa mataas na floor ng public school para lang iboto ang mga kandidato. I am a proud voter, Pilipino ako, mahal ko ang bayan ko.

Siyempre, si Alfred Vargas ang ibinoto ko dahil siya ang house representative ng 5th District ng Quezon City na nakakasakop sa lugar na tinitirhan ko.

Sure naman ako na mananalo si Alfred dahil sa dami ng mga nagawa niya sa aming distrito at sa mga tao na kanyang natulungan.

Sa mga senador naman, hindi puwedeng mawala sa listahan ko si Bong Revilla, Jr. Bukod sa alaga ko siya, kilalang-kilala ko si Bong na isang mabuting tao pero patuloy na sinisiraan ng bashers at haters niya.

Kung makikilala nang personal ng bashers at haters si Bong, magkakaroon sila ng realization na maling-mali ang impression nila. ‘Yun nga lang, you cannot please everybody pero hindi naman ito kabawasan sa pagkatao ni Bong na lalong naging kontrobersyal dahil sa campaign video niya na sumasayaw siya. Aminin natin, cute na cute ang pagsasayaw ni Bong ng Budots.

Simpleng greetings nakaka-touch…

Kahit simple greetings lang ang matanggap sa special days, nakakataba rin ng puso. Very uplifting at inspirational na naalala ka ng tao sa gitna ng pagiging busy dahil nga holiday o araw ‘yon ng kanilang pahinga.

Nagkakaroon ako ng lump sa throat lalo na kung unexpected ang greeting na nababasa ko, ‘yung galing sa masahista ko, manikurista, nagtitinda ng bulaklak sa simbahan dahil para bang feeling mo, mahal na mahal ka ng tao, parang marami pala ang caring for you.

Kaya nga dapat talaga, mas vocal tayo, mas physical dahil iba pa rin kapag ipinadarama natin ang feelings na small act but big thing for the heart.

Siguro kapag 72-years-old ka na, ma-appreciate mo all the things around you. Siyempre, kung bata ka pa, hindi ka pa masyado sentimental kaya hindi napapansin pero now, hinahanap na.

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with