^

Pang Movies

Mariel excited na sa baby no. 2 nila ni Robin!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Mariel excited na sa baby no. 2 nila ni Robin!

Tatlong buwang buntis si Mariel Padilla sa second baby nila ni Robin Padilla. Inihayag ng host-actress ang magandang balita sa It’s Showtime kahapon.

Bahagi ng announcement ni Mariel, “Si Isabella magiging ate na. I am three months pregnant with Baby No. 2 and ngayon na pa lang gusto ko po talaga magpasalamat sa inyong lahat dahil alam kong kasama ko kayong lahat na magdarasal, magmamahal at susuporta.”

Ilan taon na rin naman ang una nilang baby na si Isabella kaya puwede nang sundan. 

Abala pa rin si Binoe sa pagtulong sa kampanya ng mga tinutulungang kandidato kaya si Mariel muna ang naglabas ng balitang buntis muli siya.

Rhea Tan nabingwit na rin si LT

Tatlong best actress na ang endorsers ng Beautederm products ni Rhea Anicoche-Tan dahil after Sylvia Sanchez at Marian Rivera, kasama na sa listahan ang grand slam best actress na si Lorna Tolentino sa pamilya.

Ayon kay LT sa ginanap na press launch niya bilang ambassadress, regular user na siya ng Beau­tederm. “Formality na lang ito. Honored ako at bahagi na ako ngayon ng pamilya ng Beautederm. Matagal na akong may tiwala sa produkto.”

Isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Rhea si LT. Isa rin ako sa tagahanga sa body of work niya pati na sa kanyang legendary beauty.

“Major asset sa Beautederm si Ate Lorna at lubos ang kaligayahan namin na makasama siya,” saad naman ng President at CEO ng Beautederm.

Take note, hindi lang sina Marian, Sylvia at Lorna ang magiging bahagi ng kumpaya. Ikinakasa na ni Ms. Rhea ang mga kabataang artista na magiging endorsers niya bilang tugon sa hiling ng kabataang kliyente niyang kumuha ng endorsers na kaedad nila.

Nasa ika-sampung taon na sa negosyo ang Beautederm pero nang tanungin si Miss Tan kung magkano na ang worth niya, itinuro niya ang kanyang lawyer pero tikom ang bibig niya.

vuukle comment

MARIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with