^

Pang Movies

Harlene kasosyo sa negosyo ang bagong BF

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Harlene kasosyo sa negosyo ang bagong BF

Inilantad na ni Harlene Bautista ang boyfriend niyang businessman, si Neil Eugenio. Si Neil ang isa sa kasosyo ni Harlene sa resto niyang Salu na ngayon ay located na sa UAP Headquarters sa Sct. Rallos, QC.

Ginawang venue ang Salu sa presscon ng major concert ni Anton Diva, ang Shine XXII AD: Anton Diva na magaganap sa Cuneta Astrodome, June 15, mula sa Teri Onor Entertainment Services (TOES) ng actor-politician na si Teri Onor.

Bilib si Teri sa talent ni Anton. “Siya ang unang impersonator ni Regine na in-acknowledge ni Ate (Regine). Estudyante pa lang siya noong 1996 eh, pumupunta na siya sa The Library.

“Nililibre ko siya sa entrance pero pinakakanta ko siya ng kanta ni Regine. Bago pa man dumami ang nagre-Regine, si Anton na ang una sa kanilang lahat,” pahayag ni Teri sa press at bloggers na dumalo.

Aprubado naman agad kay Songbird ang guesting niya sa concert ni Anton.

Bukod sa kanya, magpapasaya rin sina Vice Ganda, Michael  Pa­ngilinan at iba pa.

Sasabak muli sa pulitika si Teri sa 2022 elections. Magiging consultant muna siya ng Bataan province simula ngayong darating na Hulyo.

Alex milyun-milyon ang kita sa YouTube!

Milyones na pala ang kinikita ni Alex Gonzaga sa kanyang YouTube channel, huh!

No wonder, mas masipag mag-vlog si Alex kumpara sa showbiz commitments dahil konting hirap, edit, may kapalit na itong malaking datung!

Kaya nga ang mga artista ngayon, sikat man o hindi, tutok sa paglabas ng bagong videos sa YT channel dahil sa perang naibibigay sa kanila!

vuukle comment

HARLENE BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with