^

Pang Movies

Aktor kumita ng milyones sa isang mayor!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Guess, Salve A., kung sino itong singer-actor na diumano’y binayaran ng isang kumakandidato for Mayor sa Metro Manila ng one million pesos, yes, one million, para kumanta ng three songs sa kanyang miting de avance?

Hindi namin babanggitin ang buong pangalan nitong singer-actor na nagsisimula sa J ang pangalan.

Aktres din ang girlfriend ng singer-actor na nagsisimula naman sa N ang pangalan.

Vico napaghandaan ang pagiging pulitiko

Vico Sotto, only son nina Vic Sotto at Coney Reyes, obviously really prepared himself for a political career.

Natapos niya ang kanyang elementary at secondary education sa isang exclusive school.

Nagtapos siya ng kursong B.S. Political Science sa Ateneo de Manila. Pagkatapos nito ay kumuha siya ng Master’s degree in Public Management sa kaparehong school.

For a time, naging kawani siya ng Sangguniang Panglunsod ng Quezon City.

It was in 2016 that Vico finally decided to run for Councilor ng Pasig City at siya ay nanalo.

Tall and well built, bata pa lamang si Vico, marami na ang naniniwalang he is star material. Kasama niya kasi ang magagandang assets ng kanyang mga magulang.

He looks across between Vic and Coney. And kung tungkol sa pakikisama, he seems to have been born with it.

Pero higit sa lahat, ani Coney, may takot siya sa Diyos.

In two days, malalaman natin kung siya na ang bagong Mayor ng Pasig City.

Well, good luck, Vico.

Paulo kapos sa pakikisama?!

Sayang naman kung hindi mag-e-effort si Paulo Avelino para ma-improve ang kanyang PR (public relations), na complain diumano ng ilang members of the press sa kanya.

Magaling na aktor at gumagaling pa si Paulo. Maaalalang naging talk of the town ang kanyang pagganap bilang si Heneral Gregorio del Pilar sa Goyo: Ang Batang Heneral.

At ngayon, agaw-pansin siya sa kanyang role, bilang sunud-sunurang tauhan ni Tirso Cruz III sa The General’s Daughter.

Kapansin-pansin nga lang na lagi siyang naiisahan ni Rhian Bonifacio, na pinapapel ni Angel Locsin bilang the general’s daughter.

Kapansin-pansin lalo na karamihan sa kanyang projects, lalo na if pelikula, na ‘di gaanong tinatangkilik ng manonood.

Kung sabagay naman, bihira, lalo na sa kasalukuyan, na may kumikita sa mga pelikulang Pilipino na inire-release.

Since January of this year, tanging ‘yong movie nina Liza Soberano at Enrique Gil, Alone Together, ang diumano’y kumita sa takilya.

Harlene at Romnick matatapos na ang annulment

Now that outgoing Quezon City Mayor Herbert Bautista has chosen too, kumbaga, “rest” from politics, nasa bucket list pala niya ang maging active sa showbiz, bilang actor at producer.

Nabanggit na raw niya kay Harlene Bautista, his younger and only sister, ang kanyang desire na matulungan ito sa kanyang itinatayong film firm, Heaven’s Best Entertainment.

Ang Heaven’s Best… ang siyang nag-produce ng pelikulang Rainbow Sunset, na humakot ng napakaraming awards sa Metro Manila Filmfest (MMFF) 2018.

Sa katatapos na international Award, the 52nd Houston World Filmfest in Houston Texas, muling pinarangalan sina Eddie Garcia at Tony Mabesa (mga bida sa Rainbow’s Sunset), as Best Actor and Best Supporting Actor, respectively.

Pinarangalan din si Eric Ramos, ang scriptwriter ng movie.

And Rainbow Sunset, as a film, was awarded the special jury prize.

Of Harlene, with now obviously Mayor Herbert helping her, is preparing her entry in the 2019 MMFF.

More on Harlene: Anytime soon daw, maa-annul na ang kanyang kasal kay Romnick Sarmenta.

And right now, like Romnick, may bago na rin siyang pag-ibig. Someone na dati niyang kasamahan sa noo’y kilalang programang pambatang artistang pinasikat ng nasirang si German Moreno, That’s Entertainment.

Well, more about this sa succeeding issue ng YStar.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with