^

Pang Movies

Jennylyn at Dennis magliliwaliw na naman sa abroad!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jennylyn at Dennis magliliwaliw na naman sa abroad!
Jennylyn, Dennis

Magandang birthday gift para kay Jennylyn Mercado ang mataas na ratings ng romantic-comedy series nila ni Gabby Concepcion na Love You Two. Magdiriwang ng kaarawan ang Kapuso Ultimate Actress sa May 15 at masaya niya itong ipagdiriwang dahil nga sa patuloy na pagdating ng magagandang blessings sa kanya kabilang na ang success ng kanyang cookie business na Chunky Dough.
Bale halos magkasunod nga ang birthday nila ng boyfriend na si Dennis Trillo (May 12) at baka pag-isahin na rin nila ito dahil heard na nakatakda silang umalis at siyempre ay kasama rin nila ang one and only son ng aktres na si Jazz.

Noon pa naipaalam ni Jen sa management ang bakasyon pero babalik din naman sila agad since hindi nga pwedeng mawala nang matagal ang aktres dahil sa kanyang serye.

Last year ay sa Balesin Island ipinagdiwang ng JenDen ang kanilang kaarawan kasama pa ang pamilya ni Dennis.

In fairness kina Jen at Den, napapanatili nilang pribado ang kanilang relasyon kahit pa nga pareho silang nasa showbiz. As we all can see, bihira silang mag-post sa kani-kanilang social media ng mga larawan nila together at bihira ring magbigayan ng mga sweet messages sa isa’t isa.

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa at marami ang humuhula na baka sa simbahan na talaga ang tuloy nito.

Mother’s Day sobrang memorable kina Dingdong at Marian

Very memorable para sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Mother’s Day this year, dahil this time, family of four na sila since kasisilang nga lang ng kanilang baby boy na si Ziggy.

“I just know that this Mother’s Day would be extra special for her (Marian) dahil pinagdasal talaga namin na magkaroon ng pangalawang baby and ‘yun, ibinigay nga ng Panginoon and even more lalaki ‘yung ibinigay so alam kong magiging sobrang happy siya doon when we celebrate it,” sey ni Dingdong sa huling panayam sa kanya.

Hindi lang ang baby boy ang blessing sa kanila this year kung hindi maging ang sunud-sunod na projects niya na nakatakdang gawin.

It was announced na gagampanan nga niya ang role na Big Boss sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun at pagkatapos nito ay may mga pelikula pa siyang nakatakdang gawin.

Ken at Rita wagi sa Tanglaw!

Masayang-masaya si Ken Chan sa pagkakapanalo nila ni Rita Daniela ng Best Lead Performace in a TV Series para sa serye nilang My Special Tatay sa katatapos lamang na 17th Gawad Tanglaw Awards.

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Ken sa natanggap na parangal.

“Isang karangalan ang mapabilang sa mga nagwagi para sa Gawad Tanglaw ‘Best Lead Performance in a TV Series’. Sabi ko nga hindi madali ang trabaho ng mga aktor sa industriyang ito pero dahil sa mga ganitong klaseng pagkakataon na kami’y mabigyang pansin ay nakakalakas ng loob at ito ay nagsisilbing inspirasyon para sa amin. Maraming salamat Gawad Tanglaw at sa lahat ng bumubuo nito at sa lahat din ng bumubuo sa My Special Tatay para sa inyo ito! Aubrey, Akap!” ang caption ni Ken.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with