^

Pang Movies

Bong walang tulugan!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ngayon ang talagang birthday ko, Ateng Salve, pero noong isang gabi ay nag-treat ng dinner si Martin Nievera (kasama ang girlfriend niyang si Anj del Rosario at personal manager na si Joy Alonzo) sa isang restaurant somewhere in Pasay City.

Pagdating namin doon ni Joy ay inabutan namin si Bacoor City Mayor Lani Mercado kasama si Gorgy Rula.

Nang dumating si Martin kasama si Anj, pinuntahan niya si Lani at Gorgy para batiin.

After a while, dumating naman si former Senator Bong Revilla na galing pala sa isang kampanya. May mga ka-meeting sila, kaya kahit pagod, sumunod pa rin doon ang actor/politician.

Halos hindi na raw matutulog si Bong dahil may maaga pa siyang flight.

Lumapit uli kami ni Martin sa table nila para magpaalam at natuwa naman si Bong at pinasalamatan pa nga si Martin dahil two years ago ay nakiusap siya na i-serenade si Lani sa surprise birthday dinner ng actress/politician.

Favorite singer kasi ni Lani si Martin.

May epekto pa ba? AlDub fans may banta na namang boycott!

Kahapon umalis pa-New York si Alden Richards.

May show siya sa Brooklyn kasama si Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Betong Sumaya, Golden Cañedo at Rayver Cruz.

Sabi sa akin ng assistant ni Alden na si Mama Tenten, sa May 16 ang balik nila ng bansa, pero hindi pala sigurado kung makakapag-Sunday PinaSaya na sila. Baka by June pa raw sila makabalik sa Sunday musical/comedy show ng GMA-7.

Excited na ang mga taga-New York, New Jersey sa show roon ni Alden at ng iba pang Kapuso stars.

‘Kaloka nga pala ang intriga ng ibang fans na ibo-boycott nila ang isang product na ine-endorse ni Alden with Kathryn Bernardo.

Marami pa rin kasing mga fan ang gusto na si Maine Mendoza ang kapareha ni Alden kahit na obvious namang si Arjo Atayde ang mahal ng female phenomenal star ng Eat Bulaga, huh!

Maja iniwan muna ng BF

Si Rambo Nuñez na boyfriend ni Maja Salvador kasama si Richard at Raymond Gutierrez sa Orlando, Florida para sa Omega watch event.

Si Richard at Raymond ang Filipino celebrities na naimbitahan doon.

Si Rambo naman ay kasama ng nanay niyang si Marilen Nuñez dahil sila ang humahawak ng events ng Omega sa ating bansa.

Three days ago, bago umalis ng Pilipinas ay nag-post sa social media si Rambo ng picture nila ni Maja at sinabing mami-miss niya ang dalaga.

Trabaho ang ipinunta ni Rambo sa Orlando, kaya understandable na hindi niya isinama roon si Maja.

As you read this, ginaganap na ang event ng Omega sa Orlando kung saan ay a-attend din ang Hollywood actor na si George Clooney.

Wow, ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with