^

Pang Movies

Baguhang actor buhay prinsipe sa piling ng local official!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tiba-tiba pala ngayon ang isang baguhang aktor dahil natipuhan siya ng isang mayamang bading na local official from the south.

Hindi pa masyadong kilala ang baguhang aktor pero tisoy siya, matangkad at may dating din.

Pero iba na ang lifestyle niya ngayon dahil binigyan siya ng condo at mamahaling kotse ng opisyal, huh! Sa condo na siya nakatira at gamit-gamit na niya ang mahahaling car!

Discreet kasi ang local official kaya hindi sila masyadong halata kapag magkasama sila sa mga lakad.

Hero tinatapos pa ang pelikula kasama ang porno actress

Tinapos ni Mayor Herbert Bautista ang intrigang may isyu sa kanila ng kanyang Vice Mayor na si Joy Belmonte dahil sa isang rally ng Team Joy, sumipot siya at inendorso ang tumatakbong mayor ng Quezon City.

“May isyu kasing kampi siya sa kabila kaya dumating si Kuya (Herbert) sa isang rally, inendorso si Ma’am Joy bilang mayor pati na ang buong Team namin sa konseho,” pahayag ni Councilor Hero Bautista sa traditional birthday treat ng Bautista family sa press.

Pasok naman sa mga survey si Hero sa naglalaban-laban na konsehal sa Fourth District ng QC. Kung sa unang takbo niya eh nasa ika-anim na puwesto siya, “Sa latest surveys, nasa fourth/fifth position ako. Hindi naman ako nag-aambisyong mag-top.

“Kaya ako tumakbo uli eh para ipagpatuloy ang ilan pa sa plataporma ko.”

Pero kahit inagaw na ng politics, nasa puso pa rin ng konsehal ang showbiz.

Tinatapos niya ang pelikulang Fusion kasama ang dalawang seksing leading ladies, ang Brazilian model na si Daiana Menezes at Japanese  (porn) actress na si Maria Ozawa.

After elections ay magre-resume na sila ng shooting and hopefully by September ang labas nito sa Netflix.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with