^

Pang Movies

Lauren nag-goodbye na sa mga luho, bumalik na sa pamilya

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Philstar.com
Lauren nag-goodbye na sa mga luho, bumalik na sa pamilya
Lauren Young

Tapos na ang galante days ni Lauren Young. Ibinenta na niya ang kanyang sasakyan, bumalik sa pamilya, tumigil sa pagsa-shopping at paggastos sa night out at sa mga bagay na hindi niya kailangan.

Saad ng Kapuso artist sa Instagram, “My attitude has changed, my goals are slowly being reached, and my dreams are even bigger: to be content with what I have and make go with the things already available to me,” bahagi ng caption ni Lauren.

Malaking tulong din kay Lauren ang boyfriend niyang si Tony Panlilip para piliin ang mas simpleng buhay ngayon.

Aiko nagdemanda!

Suportado si Aiko Melendez ng boyfriend niyang si Jay Khonghun nang sampahan niya ng reklamong libelo si Angelina Magsaysay-Cheng, vice governor ng Zambales, kahapon sa Olongapo City.

Isinumite ni Aiko ang reklamo sa sala ni Associate Prosecutor Ritchie John Distor Bolano sa RTC Olongapo City.

Nag-ugat ang reklamo ng aktres sa Facebook posts ni Magsaysay at public viewing ng videos na isinasangkot na siya sa droga. Matatandaan ang BF ni Aiko ay nasangkot sa bintang isa siyang narco-politician.

Kalaban ni Jay sa posisyon si Magsaysay. Magkasama sila ni Aiko sa pagsuyod sa kasuluk-sulukan ng Zambales.

Pero hindi ito ang unang beses na binira si Aiko ng mga kalaban ng BF. Nariyang akusahan siyang kabit at pati anak na si Andrei ay tinuligsa.

Hirit ni Aiko sa paratang, “Taun-taon akong nagpapa-drug test upang maging ehemplo sa kasamahan ko sa industriya.”

Policitian din si Aiko sa QC pero hindi niya naranasan ang ganitong labanan sa pulitika nu’ng tumatakbo siya. Eh sa ginawa, nagalit na siya sa sunud-sunod na paninira dahil pagkatao na niya ang winawasak, huh!

vuukle comment

LAUREN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with